Bakit pinapasa ng PNU Manila SG (SULO) ang mga gastusin sa mga estudyante?

Posted: August 16, 2012 in PNU Student Government
Tags: , , ,

Ito ang anunsyo ng PNU SG tungkol sa isyu ng University Shirt. Ang dating 100 pesos na sinisingil ay ginawang 120 pesos ngayon. Wala ring demokratikong konsultasyon sa mga estudyante. Kapansin-pansin din sa pahayag sa ibaba ang mga katagang “ISANG TUNAY at POSITIBONG PAGBABAGO” na siyang tagline ng SULO Party. kung kaya mahihibo rito na ang anunsyo ng PNU SG ay tila hindi ang pangkabuuang tindig ng SG kundi ng isang partido lamang. Ang lohika ng depensa rito ay walang pinagkaiba sa kaisipang makanegosyo at kontra-estudyante. HINDI KAILANMAN DAPAT IPINAPASA SA MGA ISKOLAR AT GURO NG BAYAN ANG PAMBILI NG MGA GAMIT AT PANG-RENOVATE NG MGA PASILIDAD. Mas malala pa ito sa paniningil sa mga private school.
Ang dapat sagutin at panagutan ng SULO ay BAKIT NINYO BINIBIGYAN NG DAGDAG NA BAYARIN ANG MGA ESTUDYANTE HINDI ITO TUNAY AT POSITIBONG PAGBABAGO.

 

PNU-SG ANNOUNCEMENT:

SAAN MAPUPUNTA ANG KIKITAIN SA UNIVERSITY SHIRT?

mula sa: http://www.facebook.com/groups/philippinenormaluniversitymanila/permalink/10151176629580259/

Kada taon, may bago tayong University Shirt. Nagsisilbi itong IDENTITY ng PNUans bawat taon. May kanya-kanya mang DBO shirts, ang UNIVERSITY SHIRT ang nagbubuklod sa ating bilang ISANG Unibersidad.

Nagsisilbi din itong isa sa Income-Generating Projects ng Student Government. Saan napupunta ang kinikita sa UNIVERSITY SHIRT?

Sa mga nakalipas na administrasyon, maraming nagsabi na hindi nila alam kung saan napunta ang perang kinita dahil wala namang report na inilabas at HINDI NILA NARAMDAMAN ang epekto ng perang kinita.

Ngayon administrasyon, KASABAY ng PAGSIGURO natin ng ISANG TUNAY at POSITIBONG PAGBABAGO, sisiguraduhin namin na lahat ng mangagaling sa PNUan, babalik sa PNUan. Sisiguraduhin natin na MARARAMDAMAN at MAPAPAKINABANGAN ng bawat PNUan ang kikitain ng 2012 UNIVERSITY SHIRT PROJECT.

Mapapansin na mas mataas ng 20 pesos ang 2012 University Shirt. Mula sa 100php noong isang taon, ito’y naging 120php.

Ang tanong, ano ang bibilhin sa karagdagang 20 pesos?

Unang-una, sisiguraduhin nating MAS MATAAS ang kalidad ng 2012 University Shirt. Hindi kagaya ng nakalipas na University Shirt na manipis at substandard ang telang ginamit, YALEX RED LABEL ang kalidad ng 2012 University Shirt. Sisiguraduhin din na kahit ilang beses pa ito labhan ay hindi matatanggal o kukupas ang kulay.

Parte ng kikitain ay mapupunta sa pondo para sa mga Department-Based Organizations (DBO’s)

PNUan, ANO PA ANG MABIBILI NG 20 PESOS MO???

Ito ang listahan:

2 LCD Projectors
2 CD Players with USB Port
2 Speakers with Audio Jack Connectors
2 Beat Boxes
2 Acoustic Guitars with pick-up
2 Electric Guitars
2 Electric Guitar Amplifiers
1 Bass Guitar
1 Base Guitar Amplifier
1 Drum Set
1 Audio Mixer
1 Main Amplifier
1 Tuner
2 Wireless Microphones
2 Regular Microphones

Karagdagan dito ay ang pagrerenovate ng Old Ecumenical Room sa 2nd floor ng Student Center Building. Ito’y magiging Multi-Purpose Room kung saan pwedeng LIBRENG gamitin ng bawat PNUan bilang:

Audio Visual Room
Mini Theater
Special Lecture Room
Conference Room
Practice Area
Others

Magkakaroon na din ng kauna-unahang UNIVERSITY RECORDING STUDIO kung saan maaring hasain ng bawat PNUan ang kanilang abilidad sa musika at performance. Magkakaroon ng pagkakataon ang bawat PNUan na makapagrecord ng kanilang MUSIKA gamit ang mga PROPESYUNAL na gamit.

Parte ng pagbabago ang mga batikos. Ngunit kung matatakot tayo sa sasabihin ng iilang hirap o ayaw makita o tanggapin ang katotohanan, HINDI TAYO UUSAD.

Ito ay MAKASAYSAYANG PROYEKTO ng BAWAT PNUan. Ito ang UNANG BESES na magkakaroon tayo ng ganitong mga gamit na MASASABI nating ATIN.

Panahon na upang I-UPGRADE at dagdagan ang mga FACILITIES na nakakatulong sa mga PNUans na maging HOLISTIC EDUCATORS.

Muli, PNUan, ano ang MAGAGAWA NG BENTE PESOS MO?

Ang sagot: EMPOWERMENT OF FUTURE EDUCATORS.

MARAMING SALAMAT PO!

 

Originally published: http://www.facebook.com/groups/philippinenormaluniversitymanila/permalink/10151176629580259/

Comments
  1. yoong says:

    grabe . bente pesos lang , issue na agad ? I mean , hello . cung ang bente pesos na ean ay mrami ng mabibili . why not ? kung matutupad nga eang sinabi nan SG (Sulo) na mraming mabibili na “sariling atin” , at sa halagang bente pesos lang , magpapasalamat pa kami . hindi nman araw-araw an pagbabayad nan bente pesos pra maging mabigat to db ? at kung makikita naman nmin cung san napunta un bente pesos nmin ..

    tsss .. bago pa lan nman un new administration e . kea hyaan nio muna sila sa mga gusto nila gawin .. alam nman nan mga pnuans cung mabuti o masama an administrasyon e . d nman cguro kami bulag .. haiis ..

    — wag muna kasi bira nan bira agad .. pag d nila nagawa un pangako nila , tsaka nio sila husgahan .. haiis ..

    — just my comment . no bashing please ..

  2. Gege says:

    5000 (Population of PNU Manila) x 20 = 100,000

    Sa tingin ninyo po ay kasya yan sa (1) renovation ng old ecu, (2) pagtatayo ng music studio, (3) pagbili ng equipment gaya ng mic, projector, etc.

    Alam ninyo po ba kng magkano ang isang drum set pa lang? Nakapag-canvass po ba kayo? Sana po ay may background knowledge muna tayo sa mga bagay-bagay. TIMBANGIN po muna natin ang mga rason bago maniwala at magtiwala.

    Isa pa, STUDENT CONSULTATION po ang kailangan para malaman kung kailangan ba talaga ng PNUans yang ENGRANDENG music studio na yan.

    Dagdag pa, dapat talaga ipasa sa students ang proyektong yan? Pwede po bang mag-assert muna tayo sa mas mataas na badyet para sa PNU?

    Sorry, baka may-kaya ka kaya ganyan ka magsalita. Sorry kung sakto lang ang baon ko everyday. Sorry kung i’d rather put my P20 for photocopying handouts.

  3. Gege says:

    Nasaan ang EMPOWERMENT OF FUTURE EDUCATORS? Ma-eempower ba ko ng music studio? PLEASE, LET US BE RATIONAL HERE. Wag lang plain beliefs. Do not settle for FALSE HOPES. Kasya ba yung 100,000 sa lahat ng iyan? Ano ba!

    • yoong says:

      so , what do you suggest ? ibalik sa 100 an ushirt at hyaan na lan na ganun an old ecu ?

      cge , sabihin nga nating d importante eang music studio na ean (for you , because I think you’re not interesred in music) , but we can renovate the old ecu . and buy some equipments like projector , mic , etc . using that 100,000 . hindi nga nila mabibili at magagawa lahat nan sinabi nila , pero atleast makakatulong nan malaki an 100,000 db ? nun pumasok aco sa PNU , ganun an old ecu , wag nman sna pag-graduate co/natin , ganun pa din an itsura nun . and one thing . nakasubok ca na ba manghiram nan projector sa SG ? kung hindi pa , sasabihin co sau . sira an projector nan SG . walang matinong projector .. kelangan co pang magbayad nan 150 sa computer shop for 1class para lan makagamit nan matinong projector . naisip mo ba un ? anlaki nan difference nan 20 sa 150 oh . un 20pesos na ean . isang beses mo lan ean bbyaran . e un 150 ?

      un sa mataas na budget nan PNU , antagal nan pinaglalaban ean ha . mai nanyare ba ? ean pa rin an pinaglalaban natin hanggang naun . d nman pde na ganun na lan lagi . oo, walang masamang ipaglaban natin an karapatan natin pra sa mas mataas na badyet sa PNU, pero sana gumawa din tau nan aksyon pra matulungan an PNU .. at kung an pagbabayad nan additional 20 an way co para makatulong sa university . why not ? anliit lan nian compare sa pakinabang natin sa PNU .

      if we don’t believe on the current SG administration , alang mangyayari saten . come on ! let’s make a change ! obey first, and believe, before we complain . d tlaga uunlad an PNU kung puro tau reklamo . pero ala tau ginagawa ..

      yeah , i know , d mo co maiintindihan . kase iba opinion natin . kaya don’t get mad , or don’t hate me . kase opinion co lan nman to e .. ” write your comment ” nga an nakalagay db ? haiss ..

      and one thing . d aco mayaman , or may-kaya . katulad co lan din ikaw , at mrami ding katulad natin na npupunta karamihan nan baon sa pamasahe at sa pagpapa-photo print . d lan ikaw . pero kasi ANDAMING PARAAN para mabayaran eang additional 20 na ean . tsss ..

      • Gege says:

        Hi! Wag ka mag-alala hindi ako galit sa komento mo. Wag ka rin mag-alala kasi alam ko kung anong klaseng projector meron sa SG. Wag kang mag-alala kasi alam ko ang itsura ng old ecu. Lalong wag kang mag-alala kasi we are on the same ground.. it’s just that i don’t like the idea of putting this project on a grander light when in fact, it is insurmountable given the budget to be gathered. Kuha mo? Pinalaki yung proyekto sa mata ng bawat PNUan kahit imposible namang mabili yun.

        Another thing is that there was no student consultation that happened, at least up to the knowledge of our DBO presidents/officers. If this project was consulted to the students, there will be no issue because that is the DEMOCRATIC way of putting things accdg to their proper places. That would be the best venue for questions and other things that may arise about this project. Yun yon! Kung naipaliwanag lahat beforehand, tingin mo magkakaroon ng issue? That’s it!

        Lastly, the fight for a higher state subsidy for PNU and other SUCs will be a success if everyone of us really asserts for it. The thing is, most PNUans (i hope that you’re not one of them) are oblivious about it. Have you ever participated in any projects/activities in pursuance of the campaign? Bingi-bingihan kasi tayo at bulag-bulagan eh when in fact we can make a difference through a collective action. Ang siste ngayon eh, AKO MISMO — INDIVIDUALISMO. Nagkakasya na lang tayo sa mga magagarbong proyekto na sa mga estudyante rin naman hinuhugot. That’s pathetic! Nasaan ang Congress lobbying? Nasaan ang international benchmarking na ipinagmamalaki nila? Pero at the end of the day, sa estudyante rin ang burden.

        Walang samaan ng loob dito. Pero yan ang totoo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s