“Habang hindi pa nakapagtitipon ang Pambansang Pederasyon ng mga Lider-Estudyante ng Pamantasang Normal ng Pilipinas (PPLEPNP) upang maghalal ng Bagong Student Regent, marapat na kilalanin ang aming resolusyon na nagtitibay sa mandatong ipinagkaloob kay Arnold – John S. Bulanadi bilang kinatawan ng sektor ng estudyante sa darating na pagpupulong ng Board of Regents.”

 — Lousel Lee Cuizon, Sangay ng Agusan del Sur, Miyembro ng Pambansang Konseho ng PPLEPNP

Hindi pa man nakatatanggap ng pormal na dokumento ang PPLEPNP na hindi na maaaring umupo si Arnold-John S. Bulanadi (kasalukuyang Pangulo ng PPLEPNP) dahil siya’y nagtapos na, nagpatawag ang administrasyon sa pangunguna ng Pangulo ng Pamantasan na ipatawag ang mga bagong halal na Pangulo ng Pamahalaang Pangmag-aaral sa bawat kampus ng Pamantasan upang mamili ng pansamantalang kinatawan (Interim Student Regent) ng sektor ng estudyante sa darating na pagpupulong ng Board of Regents (BOR), Mayo 03, 2012.

Ang pagpili at paghirang ng  Student Regent ay taunang ginagawa ng PPLEPNP tuwing buwan ng Mayo (naaayon sa 2010 Saligang Batas ng PPLEPNP). Ngayong taon, pinagkasunduan ng mga miyembro at opisyal ng PPLEPNP na magaganap ang pagtitipon ng PPLEPNP sa Mayo 13 – 19, 2012. Sa loob ng 16 taon ng PPLEPNP, kinilala at kinikilala ito ng BOR na may awtonomiyang magpasya sa iba’t ibang usapin pangmag-aaral partikular na ang magpasya kung sino ang magiging kinatawan ng sektor ng estudyante sa BOR.

Ngunit sa taong ito, hindi ibinigay at hindi isinailalim sa PPLEPNP ang proseso ng pagpili ng Interim Student Regent. Isang larawan ito ng pagtanggal sa karapatan ng hanay ng mga estudyante na mamili at tuwirang pakikialam ng administrasyon sa demokratikong proseso ng PPLEPNP.

Kilala si Bulanadi na nanguna sa kampanya laban sa pagtataas ng Dormitory Fee at Tuition Fee, pagpapaapruba sa walang konsultasyong Proposed PNU Web-Based School System, pagpapa-refund ng iligal na Computer Developmental Fee, atbp. pang anti-estudyanteng polisiyang polisiya sa Pamantasan.

Kahit ganoon pa man, nagpasa sa Tanggapan ng Tagapangulo ng Commission on Higher Education at sa iba pang miyembro ng BOR (thru email) ang PPLEPNP ng Pambansang Resolusyon 2012-01 na resolusyong nagtitibay sa mandatong ipinagkaloob kay Arnold-John S. Bulanadi bilang kinatawan ng sektor ng estudyante sa darating na pagpupulong habang hindi pa nakapagtitipon ng PPLEPNP.

 

Defend the PPLEPNP! Respect and Recognize our Autonomy!

Stand for and Uphold Democratic Student Representation in the Board of Regents!

This slideshow requires JavaScript.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s