Pormal na Reklamo Laban sa Bagong Halal na Pangalawang Pangulong – Larizza “Yssai” Nadora ng PNU Manila Student Government (SG)

Posted: March 22, 2012 in PNU Student Government
Tags: , ,

Pormal na Reklamo Laban sa Bagong Halal na Pangalawang Pangulong – Larizza “Yssai” Nadora ng PNU Manila Student Government (SG) hinggil sa Pagkukwestiyon, Pagmumura at Pagbibigay ng Hindi Magagandang Salita sa ating President at Student Regent Arnold-John S. Bulanadi

“Putang Ina ka! Demonyo ka!…”

— paulit – ulit na binitiwang salita ni Bb. Nadora. 

 

Noong Marso 19, 2012, bandang 6:30ng, sumugod sa Tanggapan ng SG Executive Body si Bb. Larizza Nadora upang manghingi ng paliwanag hinggil sa naganap na Accreditation and Re-Accreditation Process para sa mga Student Organization. Doon nagkaroon ng palitan ng mga argumento. Si Bb. Yssai Nadora ay dating isa sa Opisyales ng Sang-at-Uli Mountaineering Society (SumSoc) bago pa man siya tumakbo sa Student Government – Executive Body Election. Isa ang SumSoc sa hindi nakapasang organisasyon sa isinasagawang proseso ng accreditation at re-accreditation.

Nagpatawag ng isang pagpupulong ang Screening Committee ng Accreditation and Re-Accreditation Process noong Marso 19, 2012, ganap na 5:00nh sa SG Executive Body Office, para sa mga hindi nakapasang Organisasyon para maipaliwanag ang naganap at mabigyan ng kasagutan ang kanilang mga tanong. Isa ang Sumsoc sa mga organisasyong iyon.

Sa naganap na pagpupulong, maliwanag na naiparating ng ilang miyembro ng Screening Committee na sina President at Student Regent Arnold-John Bulanadi, OSIC Chairperson Angel Salvador Laysico, at Commissioner Mark Anthony Sendin ang naging panig ng komite.

Ilan sa mga katanungang inihayag ng SumSoc ay kung bakit hindi “raw” sinasagot ng Screening Committee ang kanilang letter for reconsideration sa Dekana ng Office Student Affairs and Student Services, score/tally sheets ng komite, at kung final na ba “raw” ang desisyon ng komite.

Ang umupo sa pagpupulong para sa SumSoc ay sina Bb. Trixie, Bb. Cristy at G. Austin. Kung makikita, hindi naging bahagi sa diskurso si Bb. Nadora. Ipinaabot ng Screening Committee sa mga kinatawan ng bawat organisasyon (kasama ang SumSoc) na sila na ang magpaliwanag sa kanilang mga miyembro at iba pang opisyales sa naganap na pagpupulong.

Nakakagulat na ilang minuto lamang ang nakalipas pagkatapos ng pagpupulong sa mga organisasyon ay pumasok bigla sa SG Executive Body Office si Bb. Nadora para manghingi ng immediate na sagot sa kaniyang mga tanong.

Marahan na sinagot ng ating President at Student Regent Bulanadi ang mga katanungan ni Bb. Nadora. Ngunit, hindi na nagustuhan ni Bulanadi ang naging daloy ng pag-uusap nila ni Bb. Nadora dahil paulit-ulit na ang mga tanong tulad ng naipahayag ng mga kinatawan ng Sumsoc sa naganap na pagpupulong. Sinabihan siya ni G. Bulanadi na kausapin muna ang mga opisyales na humarap sa pagpupulong at bumalik na lang kung mayroon pang hindi malinaw.

Sa kabila ng pag-uusap, pumasok ang isa sa mga miyembro ng SumSoc at kapartido niyang si Bb. Jesslie noong siya’y tumakbo sa SG Executive Body Election, at ang kasintahan ng Student Regent na si Bb. Juliese Cerise Oliveros na naging mga saksi sa mga sumunod pang kaganapan.

Isa sa nag-udyok sa pagsasagutan at humantong sa pagsisigawan ay dahil patuloy na pinagdidikdikan ni Bb. Nadora na responsibilidad “raw” ni G. Bulanadi na sagutin ang letter for reconsideration nila na naka-address kay Dr. Aurora B. Fulgencio, Dekana ng Office of Student Affairs and Student Services (OSASS) at nakacopy-furnish ang Tanggapan ng Student Government at ang Student Activities Coordinator.

Gustong linawin ni G. Bulanadi na hindi sa kaniya naka-address ang letter for reconsideration kaya hindi siya ang dapat sumagot dito. Sinabi rin niya na dapat hindi si Dr. Fulgencio ang kanilang sinulatan dahil hindi naman siya miyembro ng Screening Committee.

Sa gitna ng pagtatalo, dalawang beses pang tinanong ni Bb. Nadora kung ginagampanan ba ng ating President at Student Regent ang kaniyang tungkulin/ posisyon. Maliwanag na kinukwestiyon na rin ni Bb. Nadora ang pagkilos ni Bulanadi sa Student Government kaya hindi inaasahang tumaas nang kaunti ang tono ng boses ni Bulanadi.

Isa rin sa naging punto ng ating Student Regent ay ang pagtatanong na “Ganyan ba kayo tinuruan sa Department ninyo (English Department) na tumingin sa letter? Hindi sa ’yo naka-address ang letter tapos sasagutin mo?” Tinatanggap ni G. Bulanadi ang punto na nabanggit niya ang Department sa pag-uusap ngunit wala siyang intensyong sirain ang kredibilidad at integridad nito.

Sa kabilang dako, tinukoy rin ni Bb. Nadora na dapat ang Screening Committee ay maging transparent sa mga Organization. Idinagdag pa niya ang pagrerequest na maging ang ibang applicant-organizations ay ipakita raw sa kanila ang resulta para magkaroon ng paghahambing at magkaroon sila ng pagsusuri.

Nilinaw na ni G. Bulanadi na ipinakita na niya sa mga kinatawan ng SumSoc ang kanilang score. Naipaliwanag na rin sa naganap na pagpupulong na hindi maaaring tingnan ang score ng iba pang organization dahil hindi na nila ‘yun sakop at para mapangalagaan ang confidentiality ng resulta.

Sa muling pagkakataon, ipinaabot ni G. Bulanadi na kausapin muna ni Bb. Nadora mga officer ng SumSoc na dumalo sa naunang pulong para maipaliwanag kay Bb. Nadora ang lahat.

Ngunit, nagpatuloy pa rin ang diskurso. Biglang pinalo ni Bb. Nadora ang isa mga table sa SG Office. At sadyang malakas lang talaga ang boses ni G. Bulanadi kaya napatanong pa si Bb. Nadora kay Bb. Oliveros (kasintahan ni Bulanadi) kung ganito ba talaga siya. Sumang-ayon naman si Bb. Oliveros kay Bb. Nadora.

Pilit inaawat ni Bb. Jesslie ang diskurso. At dito, muling inulit din ni G. Bulanadi kay Bb. Nadora na kausapin muna ang mga umupong opisyales ng Sumsoc sa pagpupulong at bumalik na lang kapag may tanong pa.

Nagpapatuloy pa rin sa pagtatanong si Bb. Nadora hanggang sa humantong na talaga sa pagsisigawan na naging dahilan ng pagpunta ng ilang opisyales ng SG Executive Body at SumSoc sa Opisina.

Humingi ng pasensya si Bb. Trixie sa ating President at Student Regent dahil sa biglaang pagpasok at pagtatanong ni Bb. Nadora sa Opisina at hindi nasabihan sa naganap na pag-uusap sa pagpupulong.

At doon, lumabas ng SG Office si Bb. Nadora. Sa hindi alam na dahilan, bumitaw ng hindi magagandang salita at pagmumura si Bb. Nadora laban kay G. Bulanadi tulad ng “Putang Ina ka! Demonyo ka!…” Paulit-ulit pa niya itong binanggit hanggang sa dinala na ng ilang opisyales si Bb. Nadora sa kanilang tanggapan (SumSoc).

Nasaksihan ito at narinig ng ilang opisyales ng SG Executive Body, SG Commission on Elections, at mismong ilang opisyales ng kanilang organisasyon.

Sa mga pangyayari, makikita ang arogansya sa pagpasok ni Bb. Nadora sa SG Executive Body Office nang walang pagtatanong o pagkuha man lang ng update sa mga opisyal ng kanilang organisasyon (SumSoc) na dumalo sa pagpupulong. Kasama pa rito ang walang batayang pagkukwestiyon ni Bb. Nadora sa pagkilos ni G. Bulanadi sa Student Government bilang President.

Bilang susunod na VP for Internal Affairs ng PNU Manila Student Government ay marapat na maging accountable si Bb. Nadora sa kaniyang binibitawang mga salita o paratang sa likod o harap man ng mga estudyante.

Ang ganitong aktitud ni Bb. Nadora ay hindi dapat pamarisan at marapat na magkaroon ng kaukulang pagwawasto laluna’t kakahirang lamang sa kaniya bilang SG Officer at paglaon ay magiging guro ng ating bayan.

Sa ganitong larawan, pormal na magsasampa ng kaso/complaint ang ating President at Student Regent laban kay Bb. Nadora sa usaping misconduct and insult to a person of authority.

>>> para sa pahayag ni Yssai Nadora puntahan ang link na ito: http://www.facebook.com/notes/yssai-nadora/para-sa-mga-pnuans-isang-paglilinaw-ukol-sa-pahayag-ng-pnu-manila-sg-httpwwwface/383670288318143

Comments
  1. JP ARCINAS says:

    e2 ang aking msasabi, cguro dapat mas pag ingatan na lang natin ang ating mga salita…”hnd nmn sagot sa kabastusan ang isa pang kabastusan, at dapat nating isipin na kung gusto mo na ikaw ay marespeto… irespeto mo din ang kapwa mo. – Ang respeto ay hnd hinihingi ‘yan ay kusang ibinibigay at pinagyayabong.” sa mga taong pinag-aaway pa ang magkabilang panig… tigilan na ninyo yan. Be positive, keep moving forward, let the bygones be bygones learn from it and never stuck with the issue…that’s enough. SEEK SOMETHING BETTER, plan for the betterment of S.Y. 2012 – 2013.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s