Pasasalamat ni STAND PNU 2012 Standard Bearer Michael Angelo Esposo

Posted: March 10, 2012 in Uncategorized
Tags: , , , , , , , ,

Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta sa STAND-PNU. Hindi man natin nakuha ang 10-0 na pagkapanalo ay masaya pa rin ako sa naging resulta ng eleksyon na ito.

Hindi man po ako pinalad na manalo pero lagi’t lagi kong sinasabi na tuloy-tuloy pa rin ang aking pagsisilbi sa mga iskolar ng bayan at sa sambayanan. Normal lang na malungkot ako, tayo. Normal lang din na maiyak. Pero palagi nating tatandaan na ang kalungkutan ay lumilipas at ang mga luha ay natutuyo. Kahit kailan ay hinding-hindi lilipas ang kagustuhan nating paglingkuran ang sambayanan at hindi tayo matutuyuan ng pag-asa na muli tayong magtatagumpay.

Image

Mga kasama, palagi nating tatandaan na ang pagkatalo ay kailanman hindi nakapagpahina sa atin; ito ay ang nagpapalakas at nagbibigay sa atin ng inspirasyon upang mas lalo pa nating paunlarin ang ating mga sarili at mas pagbutihin pa ang ating mga kampanya para sa sambayanan. Walang lugar sa atin ang pagkakamali; pagkatuto lamang ang ating babaunin mula sa karanasang ito. At syempre palagi ninyong tatandaan na kapag MICHAELangan kayo – narito’t tutulong at lalaban ang STAND-PNU para sa inyo.

TEACHERS OF THE NATION, SERVE THE PEOPLE!

— Michael Angelo Esposo, Standard Bearer, STAND PNU 2012

Comments
  1. kuya mike!!! we lab u! we will always be…alam kong ginawa mo ang lahat at masaya kami sa mga nakita namin…sana ay maging ayos ka na…always remember that your friends are always here with you…if you want to talk, just tell…”lab u & i will always do (from me , ava & gara)”

  2. Rhea says:

    Our hands are all up high in honor for you. You fought a great fight kuya. Hope you’ll still be visible fighting for what is right. – Rhea

  3. kuya mike.. alam naming hindi ka HANGGANG ELEKSYON LANG… takbo ka ulit next year..

  4. joy27 says:

    Hello Michael! siguro hindi mo pa po panahon..pero naniniwala akong karapat-dapat ka naman sa posisyon na yun at nakikita naman namin ang effort mo during your term as a FILO🙂 Pero just always believe na “everything has a reason”. GOD bless! takbo ka ulit next year! maybe i don’t know you that much but honestly, i am so proud nung malaman kong tatakbo yung batchmate namin as PNU-SG President. ^_^

  5. rio vienna austria says:

    ayos lang yan michael. hindi pa tapos ang laban kasama.. umpisa pa lang..🙂 lagi mong tatandaan nandito lang kami.. Sama-sama tayo sa laban!… HANGGANG SA TAGUMPAY kasama..♥

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s