Bilang kinatawan ng tunay, palaban at makabayang Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in PNU (STAND PNU), si Michael Angelo Esposo, o Michael, ay hinubog ng pamantasan at ng lipunan upang maging lider-estudyanteng may paninindigan at tunay na lunggati para sa mga iskolar at guro ng bayan.

Ang kanyang simulain bilang miyembro ng STAND PNU ay kinakitaan ng kanyang pagiging masigasig at mapanuri sa pag-aaral sa loob at labas ng pamantasan. Bukas sa bagong mga kaisipan, handa sa mga hamon at responsibilidad, at may katangian ng pagiging mapagpakumbabang pinuno, tinanggap at napagwagian ni Michael sa kaniyang unang taon sa pamantasan ang pagiging Finance and Logistics Officer (FILO) ng Pamahalaang Pangmag-aaral AY 2011-2012.

Mahalaga para kay Michael hindi lamang ang integridad ng posisyon kundi  maging ang integridad ng pagkatao. Hindi niya sinugal ang tiwala na ipinagkaloob sa kanyang ng mga PNUan bilang FILO lalo na’t ang pondong kanyang pinangasiwaan ay pondong mula sa mga estudyante. Kung kaya’t mahigpit ang kanyang pagtangan sa “serbisyo,” “transparency” at “accountability”. Patunay nito ang paglalaan ng pondo para sa financial assistance sa mga Department Based-Organization (DBO) at sa mga Interest Club and University Chapter Organization (ICUCO), mga proyekto sa loob ng pamantasan gaya ng Intramurals, fora at symposia, pananaliksik at iba pa, community service at suportang sektoral gaya ng relief operations sa mga nasalanta ng bagyong Sendong at iba pang kalamidad, at iba pa. Tapat sa kanyang sinumpaan na iingatan ang pondo ng mga mag-aaral, regular na naglalabas at nagpapaskil ng pinansyal na ulat si Michael na bukas para sa lahat.

Hindi rin nakupot sa usaping pampinansiya ang responsibilidad ni Michael. Habang masinop na isinasagawa ang gawain bilang FILO ay nagsilbing Puno ng Pambansang Lupon ng Pambansang Pederasyon ng mga Lider-Estudyante ng Pamantasang Normal ng Pilipinas (PPLEPNP), ang isa sa pinakamalawak na alyansa na binubuo ng mga lider-estudyante ng mga Student Government sa buong PNU System. Kinikilala rin ni Michael ang halaga ng isports sa pagtataguyod ng kaisahan sa mga PNUan. Patunay nito ang kanyang pagiging Head ng Intramurals 2011. Naging miyembro rin siya ng Student Handbook Revision Committee na naglalayong gawing mas maka-estudyante ang nasabing handbook at magkaroon ng paglilinaw hinggil sa mga palisiyang patungkol sa mga mag-aaral. Pinamunuan niya rin ang research committee ng Alliance Against Merging of Classes na hayagang tinutulan ang hindi maka-estudyanteng pagtitpid na idinulot ng budget cut noong nakaraang taon. Siya rin ang namuno sa research committee ng K to 12 program. Siya rin ang convenor at head ng research committee ng Movement for Quality Education isang malawakang alyansa ng buong pamantasan na isinusulong ang mataas na budget para sa pamantasan. Naging coordinator din siya ng Stop TOFI (Tuition and other Fees Increase) Alliance  ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) at ng Kilos na Laban sa Budget Cut, SUCs National Alliance.

Naging delegado rin siya ng ilang mga convention gaya ng 15th Pre- Sangkan ’11 , PNU Quezon campus, 14th Pangkaykaysa, PNU Isabela Campus at 15th Paghugpong 2012 , PNU Negros Occidental Campus. Naging Chairperson din siya ng Freshmen Committee ,Intramurals 2010. Advocate rin siya ng No to MRT-LRT Fare Hike campaigns at ng No to Oil Price Hike Campaigns. Program Committee Head din siya ng Educational Development and Research Committee: Forum: KAMPUSAPSUSAPAN on Human Rights and the Philippine Educational System. Siya ay miyembro ng Social Science Club at ng mga organisasyong gaya ng ACT Teachers PNU at ANAKBAYAN PNU.

Naniniwala si Michael na “Ang lipunan ay ang ating tunay na paaralan at ang ating guro ay ang sambayanan.” Sa katunayan, sa kanyang pakikisalamuha sa iba pang sektor ng lipunan gaya ng mga magsasaka ay mas lalo pang napatingkad ang kanyang determinasyon na maglingkod hindi lamang sa mga estudyante kundi sa kalakhan ng mamamayan. Ang mga tulad ni Michael ay buhay na halimbawa na kapag mahusay na napagsanib ang teorya at praktika ay makapagluluwal ng mga iskolar at guro ng bayan na magtataguyod ng interes hindi ng iilan kundi ng karamihan.

Masasabing gagap ng kanyang mga karanasan bilang isang lider-estudyante sa loob at labas ng pamahalaang pangmag-aaral ang maka-estudyanteng lider na magtatanggol sa demokratikong karapatan at aspirasyon ng mga ito. Naniniwala si Michael na tanging sa kolektibong pagkilos ay mapagtatagumpayan ng bawat iskolar at guro ng bayan ang anumang hamon ng panahon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s