PAGTITIPID AT PAGMAMALABIS: Paglilinaw Hinggil sa Akusasyong “Tinipid” Diumano ng SG ang Student Clubs at Organizations

Posted: March 2, 2012 in Uncategorized
Tags: , , , , , , , , , ,

PAGTITIPID AT PAGMAMALABIS: Paglilinaw Hinggil sa Akusasyong “Tinipid” Diumano ng SG ang Student Clubs at Organizations

ni OSIC Chair. Angel Salvador Laysico

Chairpeson, Organization and Student Information Committee, PNU Manila Student Government

Sa kaniyang pangangampanya, sinabi ni SULO Party Standard Bearer AR Angcos na TINIPID diumano ng Student Government (SG) ang Student Clubs and Organizations ngayong Akademikong Taon 2011-2012. Ang akusasyon na ito ay pagmamalabis sa bahagi ng nasabing kandidato na ginagamit ang isang gawa-gawang isyu sa panahon ng eleksyon.

Naglalaan ang SG ng tulong-pinansiyal sa mga organisasyon batay sa pondong nagmumula sa student fund bawat semestre. Kinokolekta ito ng administrasyon at ang Accounting Office, batay sa financial request ng SG, ang naglalabas ng pondo. May mga pagkakataong nagkakaroon ng delay sa paglalabas ng pondo sa bahagi ng administrasyon.

Para sa kaalaman po ng lahat, kasama sa General Approriations Act (GAA) ng SG ang pagbibigay ng Financial Assistance sa Department-Based Organizations (DBOs) at Interest Club and University Chapter Organizations (ICUCOs). Saksi ang mga pinuno at miyembro ng DBOs at ICUCOs sa mga pulong na isinasagawa patungkol sa financial assistance. Nakapagbigay ng pondo ang SG sa mga organisasyon: P1,000 para sa mga DBO at P500 sa bawat ICUCO.

Mismong ang organisasyong kinabibilangan ng dalawa pa nilang kandidato na sina Larissa Nadora at Tuesday Delos Santos ay nakatanggap rin ng tulong pinansyal. Nakalulungkot na hindi man lamang nagawang liwanagin ng dalawang kandidato ang isyu na ito.

Bilang Organization and Student Information Committee Chairperson, nais ko pong linawin na kasama sa aming plataporma ang pagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga organisasyon. Naipanalo po natin ang eleksyon noong nakaraang taon batay sa prinsipyo ng tapat na paglilingkod. Ubos-kaya nating ipinaglaban na mabigyan ng pinansyal na tulong ang mga organisasyon. Ang laban na ito ay ating napagtagumpayan kasama ng iba pang SG Officers.

Naniniwala po ang SG sa financial transparency at accountability. Ang SG po ay palagiang naglalabas ng Financial Report upang maipakita sa bawat iskolar ng bayan kung saan napupunta ang pondo ng SG. Ang mga pinansiyal na ulat ay lagi pong bukas sa publiko, nakapaskil sa bulletin board at opisina ng SG, at isinusumite sa Accounting Office. Ito ang magpapatunay na naglaan ng pondo ang Pamahalaang Pangmag-aaral para sa mga organisasyon.

Noong Agosto 23, 2011, naglaan tayo ng P17,000 para sa mga DBO at P5,500 para sa mga ICUCOs.

Naglaan din tayo ng tulong-pinansyal na nagkakahalagang P9,800 sa ilang mga organisasyon noong Agosto 26 para sa request fund ng mga organisasyon sa nakalipas na Foundation Week.

Naglaan din ang Pamahalaang Pangmag-aaral para sa kani-kanilang mga gastusin sa kanilang mga proyekto. Nakapagbigay tayo ng P11,500 para sa lahat.

Isinusulong po natin na mabigyan ng tulong-pinansyal ang mga organisasyon para na rin sa kapakinabangan ng bawat PNUan, laluna’t ang pondo ng SG ay nagmumula sa bulsa ng mga estudyante. Dahil naniniwala tayo na tayo ay dapat humugot ng lakas sa masang mag-aaral: mula sa masa, tungo sa masa. Ang pondo ng Pamahalaang Pangmag-aaral ay nagmula sa mga estudyante kung kaya’t nararapat lamang na maibalik ito sa mga estudyante. Nakakalungkot na ginagamit ng nasabing politikal na partido ang mga paninirang walang batayan para lamang sa kanilang pansariling interes at posisyon.

Hindi kailanman dapat pahintulutan at palagpasin ang ganitong mga walang-batayang akusasyon, laluna’t isinasangkalan nito hindi lang ang integridad ng SG kundi ang integridad ng mga mag-aaral na silang nagluluklok sa atin sa mga posisyon sa SG. Wala kaming makitang ibang dahilan sa pag-iimbento ng isyung ito kundi upang siraan ang STAND PNU na siyang nakaupo ngayon sa SG.

Hinahamon natin ngayon ang ang kandidato ng naturang partido politikal na maglabas ng paglilinaw hinggil sa kaniyang labis at mabigat na akusasyon laban sa SG.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s