TENacity 2011: The Isyung PNU and UP Issues Year-end Special

Mainstream media corporations, individuals, groups, and organizations (even the progressive ones) have released (and will release) their year-enders. For the first time in the brief history of Isyung PNU (https://isyungpnu.wordpress.com) and UP Issues (http://upissues.wordpress.com), the editors of the said alternative weblogs have heavily and meticulously deliberated on who and what to include in their joint list of the best and the worst in Philippine society this year. Touted as “Tenacity 2011,” this year-end special offers a glimpse of people who were and weren’t tenacious enough to withstand the currents of Philippine society. This also provides a view of events in 2011, deemed noteworthy by the editors, that heavily impacted on the collective socio-political psychology (ansabe?!) of the Filipino people. Categories include “Top 10 Best Persons,” “Top 10 Worst Persons,” “Top 10 Events” and “Top 10 Best Online Websites” for 2011. See who and what made it to the lists. Baka kasama ka/kayo!🙂 Feel free to disseminate! Read on!🙂

Kind regards and Happy 2o12!

The Editor, Isyung PNU

The Editor, UP Issues

* * * *

Top 10 Best Persons of 2011

10. Luzelle Felipe

Dating pumapasada ng tricycle sa Hagonoy, Bulacan, naging kandidata ng Binibining Pilipinas 2011. Humarurot nga ang tricycle ng pagkakandidata ni Luzelle Felipe sa nasabing patimpalak. Sari-sari ang naging reaksyon sa pagkuwento ni Luzelle na naging part-time na tricycle driver siya noon. May humanga at may nagtaas rin ng kilay. May nagsabing ginagamit lang niya ang kuwento upang siya ay mapansin. Ngunit kung tutuusin, hindi naman nagpapapansin si Luzelle sapagkat kuwentong-buhay niya iyon. Nagmula siya sa pamilya ng mga tricycle driver: ang kaniyang ama’t mga tito. Ito’y trabahong tulad nang sa marami pang ibang “abang” trabaho ng mas nakararaming Pilipino. Pero higit pa sa abang kuwento ng katotohanang ito, at higit pa sa pagwawagi niya ng Best in Long Gown sa nasabing kompetisyon, pinakamatalino at pinakapolitikal ang sagot ni Luzelle sa question-and-answer portion ng Binibining Pilipinas. Sa tanong na kung siya’y susulat sa Pangulo ng Pilipinas ay ano ang kaniyang sasabihin at bakit, ang isinagot ni Luzelle ay “If I will write a letter to the President of the Philippines, I will write to him to listen to his people, because I believe that (the) people is the government and so the government is the people. Thank you so much.” May mga nagtawanan sa audience! Mapagkakamalang nagpapaligoy-ligoy lamang ang sagot, ngunit ang tunay na nakatatawa ay ang mamamayan at ang nakatataas na uri na ayaw sa kritikal at politikal na sagot ni Luzelle.

9. Jose Manalo

Napahalakhak niya tayo sa bawat tanghalian. Talagang click sa masa ang kanyang trip at kabaliwan sa tuwing susugod sa mga bahay-bahay upang mamigay ng papremyo sa “All for Juan, One for All” ng Eat Bulaga! No. 9 sa aming Best People ng 2011 si Jose dahil sa kanyang appeal sa masa. Bilang isang mahusay na komedyante ay nakukuha pa nitong manggaya ng mga personalidad sa ibang istasyon gaya na lang ng panggagaya nito kay Willie Revillame at kay Budoy. At the same time, ang ginagawa ni Jose ay isang manipestasyon na kahit na sinasabi ng mga programa na maging solid sila sa network na madalas nilang sinusubaybayan ay natuturuan pa nila ang mga manunuod na tumingin ng mga programang patok sa kwela’t panlasa ng mga ito.

8. Pia Cayetano

Ang RH Bill fighter ng senado na hindi kailanman umurong para isulong ang karapatan ng mga mahihirap at mga kababaihan para sa disenteng mabuhay. Nag-iisang senador na pumasok sa Top 10 ng 2011 Best People na talagang may paninindigan para sa demokratikong karapatan ng mga Pilipino. Kaya Pia, ipagpatuloy mo lang at wag sana malihis ng ibang landas sa pagtalima sa interes ng sambayanan.

7. Maki Pulido

Her real full firstname is Makibaka. Nakapuwesto sa no. 7 ang mamamahayag na si Maki Pulido dahil sa kanyang mahuhusay na dokumentaryo patungkol sa iba’t ibang sakit ng lipunan (naku, Maki, mag-ingat kay Howie Sobra-no! Haha!). Walang takot niyang tinalakay at sinuri ang mga anomalya ng AFP, PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan. At kung papansinin sa kanyang mga ulat ay talagang makikita mo ang kanyang pagtalima sa interes ng masa kaya we claim talaga na magpatuloy ang ganitong klase ng pamamahayag ni Maki Pulido at gayahin ng iba pang mamamahayag.

6. Einstein Recedes

Isang lider-estudyante na nagsusulong ng demokratikong karapatan ng mga estudyante at kabataan mula sa paglaban sa mataas na matrikula at mga sobra-sobra bayarin. Suki na siya ng CHED dahil sa paulit-ulit na isyu na kinahaharap ng mga pampubliko at pribadong kolehiyo’t unibersidad sa bansa. Hindi matatawaran at talagang winner sa puso ng mga estudyante ang dating pangulo ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) sa pagtataguyod ng makabayang edukasyon. Mula sa paglalobby sa mga kongresista, senador, local officials at maging sa paghamon niya kay Pangulong Aquino na magkaroon na mataas na prayoridad sa edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan (ansabeh!?). Naikot niya ang Mindanao para magbigay ng mga pananalita at para magbuo ng NUSP nang piso lang ang laman ng bulsa. Suki rin siya sa TV interviews.

5. Teddy Casino

Patuloy si Bayan Muna Representative Teddy Casino sa pagtataguyod ng interes ng sambayanan. Student journalist noong kaniyang kabataan at minsan ring naging reporter sa ABS-CBN. Sana tumakbo siya bilang senador sa darating na pambansang halalan.


4. Lumad

Lubos ang aming pagpupugay sa mga Lumad ng Davao sa paglaban para sa kanilang ancestral land laban sa panginoong may-lupa at hungkag na propetang si Pastor Apollo Quibuloy! Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang laban ng mga Lumad na bawiin ang mga lupaing kinamkam ni Quibuloy sa kanila. Gumamit rin si Quibuloy ng private army para itaboy ang mga Lumad mula sa kanilang lupang ninuno (hindi kaya natatakot si Quibuloy sa Diyos?). Ang masaklap pa nito ay ang pagpatay sa isang tribal chief ng mga Lumad dahil sa pangunguna na bawiin ang lupang kanilang tunay na pag-aari. Alam naman ng kampo nila Quibuloy na parte ang lupain na kanyang kinamkam sa Ancestral Land ng mga Lumad. Pasok sa listahan ang mga Lumad dahil sa kanilang determinasyon na isulong ang dapat na sa kanila at ipaglaban ang tunay na gumagawa ng mabuti (Naku, Quibuloy! Imulat ang sarili sa katotohanan!).

3. Antonio Tinio

Ang tunay na tumitindig sa interes ng mga kaguruan ay pasok sa no. 3 spot. Marami na ang naglipanang mga partylist para sa mga kaguruan ngunit iisa lamang talaga ang tunay na dumidinig sa hinaing ng mga guro ng bayan. Ang kinatawan ng ACT Teachers Partylist ay pasok sa ating listahan dahil siya ang tunay na boses ng mga guro sa kongreso. Ipinaglalaban niya ang mataas na sahod ng mga guro at dagdag na pondo sa sektor ng edukasyon. Si Antonio Tinio ang nanguna sa panawagan para sa Chalk Allowance ng mga guro kay Pangulong Aquino.

2. Ka Roger

May naisulat si Jun Cruz Reyes sa kaniyang librong Ilang Taon na ang Problema Mo? tungkol kay Ka Roger o Roger Rosal. Para sa nakararaming lumaki sa boses, tinig at mukha ni Ka Roger, hindi siya ang tulad nang ipinipinta ng gobyerno at ng mass media. Dahil ang totoo, dumaan rin si Ka Roger sa pagkabata bago pa maging isang manananggol ng sambayanan. Naglalarong tulad ng ibang paslit at nagtrabaho nang masugid hanggang sa maging armado at tagapagsalita ng New People’s Army (NPA) sa Timog Katagalugan (Melito Glor Command) at pagdaka’y tagapagpasalita ng Communist Party of the Philippines. Ikinatuwa ng militar at ng naghaharing uri ang kamatayan nitong 2011 ni Ka Roger. Ngunit hindi ng malawak na mamamayan, kabilang ang ilang mga kilalang personalidad sa gobyerno at mass media, at ng iba’t ibang sektor.

1. Danilo Ramos

Sa mga kampuhan, rali at iba pang aksiyong masa, kapag may narinig kang ng talumpati sa pamamagitan ng tula, tiyak na ang makatang Secretary General ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na si Ka Daning o Danilo Ramos iyon! Ilang taon nang walang pagod na nagmamartsa at naglalakbay si Ka Daning at ipinaglalaban ang tunay na repormang agraryo, tulad nang pamamahagi ng mga lupain sa Hacienda Luisita. Higit pa sa pisikal na punlang itinatanim sa lupa, ang alab ng paglilingkod at pakikibaka ang siyang patuloy na ipinupunla ni Ka Daning sa milyon-milyong mamamayang nagnanais na ang lupa’y maging kolektibong pagmamay-ari ng bayan.

Top 10 Worst Persons of 2011

10. Kris Aquino and the Cojuangco-Aquino Sisters

Wala nang ibang ginawa kundi tumawa, humalakhak, umiyak at magbenta ng gatas, shampoo at kung any-any na lang si Kris Aquino. Pinagkakakitaan pa niya ang kaniyang anak na si Baby James, na wala namang ibang ginawa kundi magtanong nang magtanong ng kung any-any rin. Darating kaya ang panahon na tatanungin ni Baby James kung bakit sila mayaman at bakit mas maraming mahirap?  Gusto lang nating i-remind si Kris na may isa pa siyang anak. Ang kaniyang mga kapatid na babae naman sobrang busy sa pagkukusot ng katotohanan at sa pagbebenta ng tinaguriang Presidente ng Pilipinas. Tip sa Cojuangco-Aquino sisters: distribute the Hacienda Luisita, now na!

9. Howie Severino

Kinikilalang primera-klaseng journalist. Ng kaniyang sarili. Old fashioned na journalist raw siya, ayon uli sa kaniyang sarili. Old fashioned nga ba o conservative si Howie? Let’s take this example: Nang manawagan ng anti-imperyalismo (pagtutol sa Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas) ang editor in chief ng Philippine Collegian na si G. Marjohara Tucay sa isang press conference ni Hillary Clinton, ininterbyu niya ito. Ngunit hindi naman panayam ang ginawa ni Howie. Kinastigo niya si Marjohara at pinalalabas na dapat ang journalist ay ihiwalay ang kaniyang politika/adbokasiya sa propesyon ng pamamahayag. Na isa sa pinakapalasak at pinaka-yuck na klase ng journalism! Konserbatibo si Howie, dahil kung old school siya, ayon nga sa editor in chief ng Pinoy Weekly na si G. Kenneth Guda, ay dapat katulad ng firebrand journalism ng Propaganda Movement ang pinaninindigan ni Howie. Kaya Howie, punta ka na lang sa Estados Unidos. Kailangan ka nila roon. O kaya, gawa ka na lang ng research journalism tungkol sa mga kangkungan, tutal doon naman ang bagsak mo. Tip for Howie: gawa ka ng documentary ng sarili mo, ang title, “Teach me how to Howie”. Ktnxbye!

8. Edwin Lacierda and Elena Bautista-Horn

Every great president or politician has a great spokesperson. What are the characteristics of a president’s spokesperson? 1. He or she should be eloquent and fluent. 2. He or she should be imaginative. 3. He or she should be fierce, but at times funny and witty. 4. He or she should be principled. 5. He or she should be smart. 6. He or she should be level-headed and not ill-tempered. And lastly, uhm, there’s actually nothing else to say kasi mas maganda kung mag-Pilipino na! Si Edwin Lacierda bilang tagapagsalita ni Noynoy Aquino, taglay niya ang mga katangian bilang… wala! Si Elena Bautista-Horn namang bilang tagapagsalita ni Gloria Macapagal Arroyo, taglay niya ang mga katangian bilang… lahat! Yun nga lang, lahat yun ay pinagagana niya para protektahan ang isang mandarambong at mamamatay-tao. As the saying goes, “It is isang bagay na mahusay kang magsalita, at it is ibang bagay pa kung kaninong interes ang bitbit ng sinasalita.” Tip sa dalawang tagapagsalita: shut up!

7. Henry Sy

Ang intsik beho na ito ay pasok sa ating listahan. Best in condominiums at sangkatutak na SM na nagkalat sa buong Pilipinas. Bilyong-bilyong kita, ano pa ba ang hahanapin ng taong ito? May balak pa ata siyang daigin si Bill Gates at pati ang lupang sakahan ng mga magsasaka sa Hacienda Looc ay pinagdidiskitahan niya. Mula sa pagpapabakod ng mga lupa ng mga magsasaka at pagsunog lang naman sa pananim nila ay idagdag pa ang kanyang mga Private Army na walang ginawa kung hindi kuhanan ng mga litrato at bidyo ang mga magsasaka para sa kanilang pananakot. Parte ng estratehiya ni Henry Sy ay pagbibigay ng karampot na tulong sa mga mahihirap sa Nasugbu, Batangas para sa gayon ay pumayag ang mga taga-roon na mapunta sa kanya ang hekta-hektaryang lupaing pagtatayuan ng mga kondominyum na talaga nga namang sinuportahan pa ng gobyerno sa pagpapagawa ng daan upang maging convenient ang pagpunta sa lugar. Ibig sabihin, kung hindi pa kakamkamin ni Henry Sy ang lupa ay hindi pa magpapagawa ang gobyerno ng daan? Sa tagal nang naninirahn ng mga magsasaka roon ay hindi kailanman naisip ng lokal na gobyerno na patayuan ng daan upang makatulong at mapabilis ang pagkalakal ng mga produkto ng mga ito sa halip ay tumalima pa ito sa interes ng mga negosyanteng tulad ni Henry Sy, na pumapatay ng maliliit na industriya ng mga taga-roon. Marami ng insidente ng pagpatay ang naitala kabilang ang mga magsasakang kasapi sa mga unyong lumalaban para sa kanilang mga lupa at kabuhayan.

6. Pastor Apollo C. Quibuloy (Oo, may middle initial dapat)

Ever worst sa ating listahan ang false prophet na si Pastor Apollo C. Quibuloy na idiniklera ang sarili niya bilang “appointed son of god. Hala! Anyway, habang busy siya sa pagpapalawak ng kanyang new jerusalem ay patuloy rin ang paglawak ng mga isyung kinahaharap niya tulad na lamang ng pagkamkam ng lupa ng mga Lumad na kabilang sa Ancestral Land na declaired ng gobyerno para sa mga Lumad. Patuloy din ang represyon at pananakot ng mga Private Army ni Quibuloy sa mga Lumad na umalis na sa kanilang kinatitirikan at walang-awang pinagbubunot ang mga pananim ng mga ito at sinunog ang ilan sa mga kabahayan. Ang ating inaakalang sugo ng langit upang maghatid ng balita ay isa palang halimaw na nagtatago sa katawan ng “kabanalan.” Halimaw sa kanyang mga estratehiya upang dahasin ang mga Lumad sa pagkamkam ng kanilang lupa at mula roon ay maraming kabuhayan ang nawala sa kanila. Napabalita rin ang pagpatay sa tribal chief ng pribadong hukbo ni Quibuloy dahil sa pag-alma sa pagkuha ng kanilang kabuhayan at lupain. Biyaya ng Diyos kung maituturing ang kalikasan kaya naman labis ang pagpapahalaga ng mga Lumad sa mga ito upang mapakinabangan ng mas nakararami at mas karapat-dapat.

5. Ampatuan

Isa rin sa mga best of all worst sa ating listahan ang suspek na mastermind sa pagmasaker sa humigit-kumulang 50 katao sa Maguindanao, kabilang ang ilang mga mamamahayag at inosenteng sibilyan. Maituturing na rin kasing Ampatuan Country ang Maguindanao dahil mula sa maliliit na opisyal hanggang sa kinatawan nito sa kongreso ay tanging iisang angkan lamang ang namamayagpag. Kilala ang mga Ampatuan sa kanilang mga private army, magagarang kotse at magagandang mga bahay sa kabila ng maraming naghihirap sa kanilang bayan. Nasasangkot din ang mga Ampatuan sa mga anomalya sa pamamahala at malaking pagkaka-ugnay nito sa dayaan noong halalan ng 2004 kung saan itlog (zero) ang nakuhang boto ng mga senatorial candidate na kalaban ng administrasyong Arroyo.

4. Armed Forces of the Philippines (AFP)

Wala naman tayong masasabi sa AFP kundi armado sila saka marami pa ring corrupt na officials. Kaya magbigay na lang tayo ng tip. Eto ang tip: malapit na ang stalemate! Kaya pumanig na sa sambayanan. Okay? Bonus question para sa AFP: “Ano ang kabayaran sa inutang na dugo?”

3. Hillary Clinton

Bati na kayo uli ni Obama? Kamusta naman ang state of defense sa inyo? Oo nga pala, “There’s nothing mutual about the Mutual Defense Treaty!” Kung mag-MU kayo ni Noynoy, please take him with you to the U.S. of A. There are already too much dogs and puppets in the country. Tip: bring lotsa papaya soap for Obama and Michelle. Magandang pasalubong yan! No! We’re not being racist here! We’re not saying na kailangan nilang magpaputi. Bakit ganyan kayong mga imperyalista kung mag-isip?! Porke’t maputi ka na, ha, Hillary?

2. Jovito Palparan

Mula sa Batangas at sumikat dahil sa pagkapanalo niya sa Season 1 ng Pilipinas Got Talent – si Jovit… Baldivino. Kaya sikat uli ang Queen sa mga videokehan. Tapos pinakanta ng “My Way” sa isang videokehan si Jovit Baldivino. Tapos dumating si Jovito Palparan at inaagaw ang mikropono. “My Way! Akin yang My Way!” Sabay tutok ni Palparan ng armalayt kay Jovit at sa lahat ng nagvivideoke. “Sige, Palparan, sa yo na ang ‘My Way!’ sabi ni Jovit.“ Sa yo na rin ang “The Road” tutal wala kayong ipinagkaiba ng karakter ni Alden/TJ Trinidad sa pelikulang iyon dahil mamamatay-tao ka at dinesaparecido mo ang dalawang UP students na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan at many more! Asan na sila Karen at Sherlyn? Pero higit sa lahat, “Asan ka na?” Hinahanap ka na ng mga… militar at pulis. Tip: Alam mo ba kung anong nangyari sa karakter ni Alden/TJ Trinidad sa film na “The Road.” Lagot ka!

1. Noynoy Aquino and Gloria Macapagal Arroyo

Need we say more?

O sige na nga: all together now, let’s say “More!”

One more thing: “Noynoy and Gloria, walang pinag-iba.”

Para naman may rhyme.

Top 10 Events of 2011

10. KC and Piolo Thingy

Si KC kasi pinaabot pa ng 8th chance si Piolo, e! Ayan tuloy, taob ang pelikula nina Bea at John Lloyd na “One More Chance!” Uy, wag maingay, sabi ni Ma’am Charo, “Charot!”

9. Mga Pinay sa Ms. U at Ms. World

Nagwagi ang mga Pilipina sa Beauty Pageants na Ms. Universe at Ms. World nitong 2011. Kapag sosyalista na ang Pilipinas, sasali pa rin ba tayo sa beauty contests?

8. Pagbagsak ng Porsiyento ng Nag-e-enroll sa Unibersidad ng Pilipinas dahil sa epekto ng nakaraang 300% Tuition Increase

Title pa lang, explanation na🙂

7. CHED’s Actions (or the lack of such)

Consumisyon on Higher Education. Pasok din sa listahan ang Konsumisyon  na ito, este Komisyon, dahil na rin sa mga hindi malinaw na tunguhin ng tertiary education sa bansa na talaga namang sang-ayon pa sa privatization at commercialization ng mga education insti. Nakaka-whaaaaaaaaaat rin ang kawalang pangil nito sa usapin ng “no permit, no exam policy” at mga exorbitant fees na sinisingil sa mga estudyante. Di naman ito nakapagtataka, kasi kapag tinanong mo nga ang CHED tungkol sa basic na datos tulad ng bilang ng mga dropout at kung ilan ang hindi kayang makapagbayad ng matrikula ay hindi nila masasagot! Mas maigi pang puntahan ninyo na lang si Einstein Recedes at ang NUSP dahil mayroon silang datos. Maging sa pagkakansela ng klase tuwing may bagyo ay lost pa rin sila. Kaya naman dumagsa ang puna sa Konsumisyon sa Facebook at Twitter ng mga estudyante at taong bayan. Ang komento nila sa Konsumisyon: “Water proof ba ang mga Pilipino?”

6. Kampuhan and Occupy Mendiola

Hindi pa man nag-o-occupy ang supposedly ay 99% sa Wall Street, at hindi pa man nag-aaklasang-bayan sa Middle East at hindi pa man nais pataubin ang mga pyramid sa Egypt, matagal nang ginagawa sa Pilipinas ang mga Kampuhan. Kaya nga kahit huwag nang tawaging “Occupy Mendiola” yung mass action sana sa Mendiola, kasi matagal nang nagkampuhan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. May tinatawag ring Lakbayan ng mga magsasaka at maralita, at ang tawag sa mga naglalakbayan ay “Lakbayani.” Wala namang “Occupy-ani,” hehe!

5. Surigao Mining

Worst of the worst na kung ating maituturing ang pagmimina sa Surigao! Bukod sa pagkasira ng mga lupang ninuno ng mga Lumad doon ay wala pa itong direktang ambag sa bayan! Sa halip ay inilalako pa ito sa mga dayuhan. Ano tayo, tindahan ng lupa? Anyway, napakalaki ng operasyon na ito at ulol na lang ang maniwala sa sinasabi ng gobyerno na hindi nito alam na may ganitong transactions na nagaganap roon. Nasisira na ang ating likas na yaman ay pinapatay pa nito ang kabuhayan ng mga naninirahan malapit sa minahan. Tapos ang sisi ay napupunta sa mga tao gayong mga negosyante at gobyerno naman ang maysala’t espisipikong may gawa!).

4. Sona ng Bayan at Budget Strike

Lubos na dinaluhan ng mga mag-aaral, guro, empleyado at mamamayan mula sa iba’t ibang pamantasan at sektor ang dalawang event na ito hindi para mag-party o kung anu pa man, kundi upang pauli-ulit na ipanawagan sa administrayong Noynoy Aquino ang tunay na paglilingkod at paglaan ng pondo ng bayan sa mismong mamamayan (hardkor?). Isang napakalaking kaganapan nitong nakaraang 2011 ang pagliban sa klase at trabaho upang magdaos ang iba’t ibang pamantasan sa buong bansa ng malawang strike. Ito’y para hindi lang makaiwas sa mga exams at mga projects ng mga estudyante syempre. Ito’y simbolikong protesta ng mga mag-aaral sa pagkaltas ni PNoy sa badyet ng edukasyon at sa iba pang serbisyong panlipunan, for the second straight year! Natunghayan din ng sambayanan ang SONA ng Bayan kaalinsabay ng SONA ni PeNoy. Naipatampok rito ang tunay na kalagayan ng estado sa panunungkulan ni PNoy, na walang masabi kung hindi “wang-wang.” Kaya naman tinumbasan ito ng iba’t ibang sektor ng “State of the Wang-wang Adress” at ipinatalos ang misalokasyon ng kaban ng bayan sa mga dapat sana’y nakikinabang gaya ng magsasaka, manggagawa, kabataan, estudyante at mahihirap. Pasok na pasok sa banga ang libo-libo and still counting para sa panawagan ng bayan. Kaya ang Sona ng Bayan at Budget Strike ay pasok sa listahan ng Events of 2011.

3. Typhoon Sendong
Overheard Noynoy talking to a ka-yosi-han about Typhoon Sendong: “Alam mo, pare, mga illegal loggers talaga may kasalanan dun sa flash floods. Hindi naman yung mga large-logging corporations at large-scale mining corporations ang may kasalanan. Ang babait nga nung mga yun e, kaya pirma lang ako nang pirma ng kontrata. Wrong timing lang talaga si Sendong, bakit naman kasi nitong holiday pa dumating! Alam mo, pare, yung Twitter na yan dapat ipa-ban na yan sa Pinas. Pare, biruin mo, para lang akong tanga sa harap ng mga kababayan natin. Pero, pare, okay pa rin, pagdating ko dun sa relocation site, may malaking tarp pa na sabi ‘Welcome His Excellency Benigno S. Aquino, Jr.’ Astig di ba? Wala naman talaga ako dun sa party. Ewan ko ba dun kayValerie Concepcion. Hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya na natawa ako dun sa jokes niya at na nag-enjoy raw ako sa performances niya sa PSG party. Ewan ko ba dun, pare, inlab ata sa akin. E wala naman si Valerie sa PSG party. Si Jessa Zaragoza ang nasa PSG party, yun pare ang hataw sa boses! Husky! Cough! Cough! Ano ba yung nasabi ko? Naubo tuloy ako dito sa yosi! Marlboro Reds, pare?”

                                                           

2. Gloria’s Arrest

What goes around comes around! How are your braces, Gloria Macapagal-Arroyo? Too heavy to bear? You weary over there at Veteran’s over there? Did you get Erap’s advice? Nice ano? Nasasaktan ka na sa braces mo? Nangagawit na ba ang leeg at batok mo dahil sa braces mo? Ilipat natin sa ngipin mo?

1. PSG Party with Noynoy

Na-overhear namin si Kris Aquino: “Baby James, don’t forget to tell your Kuya Josh that’s it’s not right to put shoe polish on your Uncle Noynoy’s noo. Yung ‘bee-ton” ba yun? Basta yung Tagalowg ng shoe polish. Galing yun sa relief goods para sa Sendong victims sa Iligan at CDO. No, Baby James! CDO is not the hamburger and hotdog label. Di natin yun ineendorse.  Gosh! Grabe, ang hirap mag-relief operations. Andami kasing basura na binigay ng mga tao, e. Dapat pera na lang para diretso sa bank account ng ABS-CBN! Ulk, ulk, ulk! Alam mo, kagabi, sila Ate Ballsy, pinagalitan na naman ako. Na-sa-sad pa rin ako. Kasi they want me to shut up na and huwag ko raw awayin si Valerie Concepcion kasi pareho naman raw kaming mothers ni Valerie. Pero, di ba, Baby James, it’s Valerie’s fault talaga. Kasi naman nag-tweet pa siya na nasa party ng PSG si Kuya! No, Baby James, not Kuya Boy! No, hindi rin si Kuya Germs. My gosh, Baby James, lalong hindi si Kuya Josh mo! Who else pa ba ang nasa PSG Party kundi si Kuya Noynoy! OMG, bakit naka-voice record yung cellphone ko? No, Baby James! No! Don’t send this as MMS to many….”

Top 10 Best Online Websites of 2011

10. Facebook (http://www.facebook.com/) at Twitter (https://twitter.com/)

Ang dalawang higanteng social networking site sa mundo na talaga namang humataw sa taong 2011!  Nakatulong sa pagpapalaganap ng impormasyon at mga kampanyang nagmarka sa kasaysayan kaya naman pumalo ito sa no. 10 spot. Kumpletos rekados kung maituring ang FB at Twitter mapabalitang patungkol sa politika, showbiz, internasyunal man o lokal ay pasok na pasok dito at mayroon pang mga video presentation, games at kung ano-ano pa. Nakatulong ang FB at Twitter noong kasagsagan ng mga bagyo at dito rin inantabayanan ng mga estudyante kung magsususpinde ba ang CHED (na hirap na hirap ata sa decision making sa pagsusupend ng mga klase pero ang ending malakanyang na lang din ang nag-decide. See CHED sa Top 10 Events of 2011). Nakatulong din sa pagtatampok ng mga isyu ng mga state universities and colleges sa pagkakaltas ng gobyernong Aquino sa pondo ng mga ito kaya naman naging virtual Mendiola ang Facebook at Twitter sa info dissemination at pagpapamulat sa tunay na kalagayan ng bansa.

9. Yahoo! Philippines (http://ph.yahoo.com/)

Drop sa ika-siyam na puwesto ang Yahoo! Philippines. Bukod sa pahanapan ng mga kung ano-anong mga bagay at everything under the sun na kaganapan ay nakapagbibigay pa ito ng mga latest news patungkol sa walang kamatayang love life ni PNoy, mga naka-date nito, saang lugar at anong petsa. Maaga pa sa alas-kwatro ang balitang ito na dinaig pa ang isyu sa kartel ng langis, pagtaas ng toll fee at kung ano-ano pa. Naitampok din ng Yahoo! Philippines ang iba’t ibang suliranin ng Pilipinas sa edukasyon, kalusugan, but in a chummy mode. Kaya Yahoo! Philippines kaunting pitik pa.

8. TV5 Online Portal (http://www.tv5.com.ph/)

Isa sa inobasyon ng bagong-ratsadang media corporation na pag-aari ni Manny Pangilinan ang TV5 Online Portal. Lumalaban ito sa larangan ng dokumentaryo at serbisyo publiko at patuloy na umuunlad ang pagbabalita. Madalas na kinokober nila ang mga hindi kinokober ng GMA 7 at ABS-CBN. Nagwi-wish kami na sana ay huwag dumating ang panahong magkakaroon ng news blackout sa TV5 laluna sa mga importante at sensitibong isyu, o di kaya’y sa mga maaaring kasangkutan o kaugnayan ng iba pang pag-aari ni Pangilinan tulad ng Meralco at Smart. Happy new year wish namin ay patuloy na tumulong ang TV5 na gawing “smart” ang mga manonood/mambabasa nito sa pamamagitan ng online portal.

7. The Professional Heckler (http://professionalheckler.wordpress.com/)

Sino ba naman ang hindi matatawa (pwera na nga lang kung hindi ka updated sa mga isyu) kay Professional Heckler? Ang pagsasagawa niya ng mga parody ng mga isyu sa mga politiko’t kaganapan ay hindi matatawaran. Effective naman dahil sa naitatampok nito ang mga mabibigat na isyu sa magaan at katawa-tawang pamamaraan. Sa kanyang mga sulatin ay napagsasama niya ang mga personalidad sa isang senaryo na may nakakaaliw na usapin gaya ng mga phone calls ng mga politiko, mga sulatin nito sa isa’t isa at mga gawa-gawang mga interview na mapapahalakhak ka kung ito’y iyong ipagpapalagay. Pero sana naman basahin ni Professional Heckler ang librong Lipunan at Rebolusyong Pilipino ni Amado Guerrero.

6. Philippine Collegian (http://philippinecollegian.org)

U! NI-BER-SI-DAD NG PILIPINAS! (Repeat it 2x) Pasok sa no. 6 spot ang talim, talas at talab — ang site ng The Philippine Collegian ng UP Diliman. In fairness naman dahil talagang pinanindigan nila ang kanilang pagiging kritikal at matalas sa paggalugad ng isyu ng bayan. Tatak Kule na nga kung maituring ang pagkilatis sa mga mabibigat na usapin ng bayan kaya naman hindi na ata mawawala sa watch list ng militar itong Collegian (wow achievement?). Maging sa pagpatos nito sa hiwalayang KCat Piolo na nakuha pang mailapat sa social context (whew! asteg!) at kumabog din ang Editor in Chief nito sa pag-eksena sa pagsigaw ng “JUNK VFA!” sa forum ng GMA sa pagbisita ni Hillary Clinton sa bansa at matapos noon ay nilapastangan siya ng kritikal na si Howie Severino na isang “Old Fashioned Journalist” (Old? Yes! Fashioned. What?). In terms of content ng mga istorya, special feats at grapiks ng website ay hindi magpapahuli sa mga mainstraeam sites.

5. GMANetwork.com (http://gmanetwork.com)

Heart na heart mo nga naman ang mga special feats ng site ng Kapuso. Bukod sa mga hot showbiz news and updates ay naitatampok din ang mga dokumentaryo na naifeature na at maaari mo pa ring mapanuod. Human interest stories, issues and problems. Pasok sa no.5 ang http://gmanetwork.com dahil hindi nga naman maitatanggi na mahusay at maganda ang kanilang bagong site. Laking pasalamat lang talaga na marami pa ring kritikal na writers sa paggawa ng news at sa mga reporters nito (except kina Howie Sobra-rino at Jessica So-so). Napaka-innovative at balanse sa pagbibigay ng impormasyon both local and international kaya naman ay swak na swak sa panlasa ng mga bibisita rito.

4. CMFR (www.cmfr-phil.org)

Center for Media Freedom and Responsibility. Maraming innovative at interactive sa website na ito. Bagama’t kalakhan ay tungkol sa mass media, ang maganda sa website na ito ay konektado sa mga isyung sosyo-politikal at kultural ng bansa at ng iba pang bansa.

3. Pinoy Weekly (http://pinoyweekly.org)

Mula sa pagiging tabloid ng Pinoy Weekly noong 2002, ang inobasyon ng Pinoy Weekly sa online na pamamahayag ay hindi matatawaran. Actually, hindi na lang weekly naglalabas ng mga balita at iba pang artikulo ang Pinoy Weekly online. Mula sa pinakamarubdob na mga balita ng bayan hanggang sa kultura, lathalain, panitikan at iba pang dimensiyon ng midya, kahanga-hanga ang PW sa pagsusulong ng makabayang pamamahayag.

2. Ibon Foundation (www.ibon.org)

Kung mayroong Twitter ang mga kapitalista, mayroon namang Ibon ang mga makabayang ekonomista.

1. Bulatlat (http://bulatlat.com)

Itinatanghal namin na the best website of 2011 ang http://bulatlat .com dahil sa paghahatid ng matatapang na balita at patuloy na pagsisiwalat at pagbubulatlat ng mga kuwentong itinatago sa mata ng publiko. Marahil sinasalo o talaga lang malakas ang loob ng mga writers nito dahil ang mga balitang hindi nailalabas ng mainstream media ay kanilang ibinabandera. Kung isa lamang itong news channel ay malamang at sa malamang tataob ang mga news organization sa pagsisiwalat nito ng katotohanan. Kumpletos rekados ang website na ito sa mga balita at naka-categorize ang mga ito ayon sa iba’t ibang sektor. Panalo sa news feats at mga detalye’t datos na hinahanap ng isang reader. Naipamumulat nito sa mga mambabasa ang tunay na estado nina Juan at Maria at lumulubog sa mukha ng lipunang Filipino. Marami ng news orgs ang nagsasabi na kung nasaan ang balita ay naroon sila. Ngunit ang masasabi lang natin ay ang hindi nila kayang ibalita ay naibabalita ng site na ito. Wala ring kinatatakutang personalidad o politiko sa pagsisiwalat ng katotohanan at pawang katotohanan lamang. Masasabi ring tagapagtanggol ng mga mahihirap o masang Filipino dahil sa makabayang oryentasyon nito sa pamamahayag.

Photo Credits:

http://www.quotednews.com/wp-content/uploads/2011/03/luzelle-felipe-bb.-pilipinas-candidate.jpg

http://vthumb.ak.fbcdn.net/hvthumb-ak-snc6/50851_2591477638854_2591416317321_40015_1531_t.jpg

http://sjsa.files.wordpress.com/2011/09/psc_001.jpg?w=530

http://4.bp.blogspot.com/-RgLcMoy7pho/TpMbKffnPoI/AAAAAAAAM4o/gYmPMQujEIU/s1600/maki-pulido.jpg

http://pinoyweekly.org/new/wp-content/uploads/2011/07/Einstein-Recedes.jpg

http://barriosiete.com/wp-content/uploads/2010/07/Teddy-Casino-2010-SONA.jpg

http://3.bp.blogspot.com/-TGWvbahMejw/Tco5l2qanfI/AAAAAAAAAXY/kB6UMrHeJxU/s1600/IMG_9513.jpg

http://pinoyweekly.org/new/wp-content/uploads/2010/07/PW-sona-antonio-tinio-act.jpg

http://revolutionaryfrontlines.files.wordpress.com/2011/10/82-ri0lo-em-55.jpg

http://bulatlat.com/main/wp-content/uploads/2011/08/Danilo-Ramos.jpg

http://img23.imageshack.us/img23/3979/krisaquinoyap.jpg

http://www.kabayancentral.com/video/gma/gmatyohs.jpg

http://www.spot.ph/files/2011/11/1320978403-LenBautistaHorn.jpg

http://img689.imageshack.us/img689/2516/sfbr.jpg

http://www.newsflash.org/2004/02/pictures/00002414.jpg

http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTN-xJjjDG9mRAu_HmIJoVW0dGGKyzvhyjZWwngsb_l1Jg_ZVkjmtUb6aP2

http://nimg.sulekha.com/others/original700/andal-ampatuan-jr-2009-12-18-7-13-2.jpg

http://cdn0.wn.com/ph/img/b8/e5/b9c2cd7b347c8972a8db7dcbd636-grande.jpg

http://www.indynewsisrael.com/wp-content/uploads/2011/12/Hillary-Clinton.jpg

http://mrcheapjustice.files.wordpress.com/2011/12/palparan_wanted_image-by-karapatan.jpg?w=570

http://imanhorn.files.wordpress.com/2010/06/noynoy-inauguration-picture.jpg

http://imanhorn.files.wordpress.com/2010/05/noynoy_aquino_gloria_arroyo.jpg

http://i2.ytimg.com/vi/-aKQKiaLuI0/hqdefault.jpg

http://images.scueno.multiply.com/image/OYAH98As-c05-plxFWmwAQ/photos/1M/300×300/142/CUsersSarahPictures2pilipina.jpg?et=SGsHTz65iEWpmDVUyuecCw&nmid=0

http://www.panoramio.com/photos/original/11370321.jpg

http://www.jmthebest.com/wp-content/uploads/2011/07/CHED.jpg

http://www.arkibongbayan.org/2010/2010-12Dec10-KampuhanBukidnon/pix/rali/_DSC1918.JPG

http://dateline.ph/wp-content/uploads/2010/12/red-mountain-02.jpg

http://media.tumblr.com/tumblr_loz3tw6jsr1qarspi.jpg

http://29.media.tumblr.com/tumblr_lv272xhv1u1qalxj3o1_500.jpg

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s