Ang Philippine Normal University ay isa sa mga iilan na lamang na State University sa ating bansa. Bilang pangunahing taga-hubog ng mga edukador sa ating bansa, nararapat lamang na sa mababang halaga ay nakakamtan ng mga magiging guro ang de-kalidad na edukasyon.

Ngunit nitong nakaraang Enrolment (First Semester- A.Y. 2010-2011) ginulat ang mga Iskolar ng Bayan ng magkaroon ng biglang pagtataas sa Insurance Fee na ating binayaran mula sa dating 50 pesos patungong 100 pesos. Ang bawat desisyon ng administrasyon na makaaapekto sa mga stakeholders ng ating Pamantasan lalo na sa hanay ng mga estudyante ay kinakailangang dumaan sa tamang proseso. Ito ay dapat dumadaan sa Board of Regents na siyang pangunahing nagdedesisyon para sa kagalingan ng ating Pamantasan.

Una, ang pagtataas ng naturang bayarin ay hindi dumaan sa KONSULTASYON SA HANAY NG MGA ESTUDYANTE at lalo pa’t hindi dumaan sa PAG SANG-AYON NG BOARD OF REGENTS. Kung gayon, ang naturang aksyon sa pagtataas ng bayarin ay ILEGAL.

Ikalawa, hindi nararapat na ipapasan sa mga iskolar ng bayan ang pagtataas ng mga bayarin na bahagi sa patuloy na pagpapahusay ng kalagayan ng mga estudyante at buong pamantasan tulad ng benepisyo o insurance. Muli, bilang isang State University na pinopondohan ng gobyerno, hindi ba nararapat lamang na HUMINGI NG MAS MATAAS NA BUDGET MULA SA GOBYERNO upang matustusan ang mga pangangailangan ng mga magiging guro ng bayan? Kung paano pinaglalaanan ng malaking budget ng gobyerno ang Philippine Military Academy na taga-hubog ng mga sundalo’t militar ay hindi ba nararapat na katumbas din ang inilalaan sa pangunahing tagahubog ng mga de-kalidad na edukador sa hinaharap?

Nitong nakaraang June 25, 2010, sa pangunguna ni Student Regent Mikko James dC. Rodriguez na siyang tumatayong boses nating mga estudyante sa naganap na Board of Regents Meeting, sa sama-samang pagkilos ng mga miyembro ng The Torch Publications, STAND-PNU, ANAKBAYAN-PNU, Gabriela- Youth at ACT Teachers Partylist kasama ang mga estudyante mula sa iba’t-ibang taon at medyor na nagsagawa ng pagkilos sa harap ng Commission on Higher Education (CHED) ay NAPAGTAGUMPAYAN ang paghingi ng REFUND sa naturang ilegal na bayarin. Noong nakaraang (Second Semester A.Y. 2008-2009) ay nagawa rin nating mapagtagumpayan ang pagpapa-refund ng 275.50 pesos na ilegal na bayarin sa NSTP, muli sa pangunguna ng mga nabanggit.

Isa itong malinaw na manipestasyon na sa pamamagitan ng pagiging mulat sa isyu, pagtindig para rito at pagtuloy na paglaban sa mga anti-estudyanteng patakaran at polisiya at sa sama-samang pagkilos ay kaya nating igiit ang ating mga demokratikong karapatan bilang mga Iskolar ng Bayan! Muli, pagpupugay sa mga ISKOLAR NG BAYAN!

ILEGAL NA BAYARIN NG MGA ISKOLAR NG BAYAN, IBALIK!

KONSULTASYON SA HANAY NG MGA ESTUDYANTE, IREGULARISA!

ILLEGAL INSURANCE FEE INCREASE, REFUND NOW!

STAND FOR HIGHER EDUCATION BUDGET NOW!

NO TO STATE ABANDONMENT ON EDUCATION!

6% NG GDP ILAAN SA EDUKASYON!

Office of the Student Regent PNU Student Government Torch Publications STAND PNU
ACT Teachers Partylist Gabriela-Youth ANAKBAYAN

originally published: http://www.facebook.com/note.php?note_id=136574209716090

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s