STATEMENT OF  PNU STUDENT GOVERNMENT,EDUCATION DEVELOPMENT & RESEARCH COMMITTEE CHAIRPERSON JUAN CARMELO CARLO RONDUEN II

photo credit: jc sibayan

Hindi ka ba naiinis tuwing nagtataas ang presyo ng pamasahe? O di kaya ng pagtataas ng presyo ng bilihin? Bilang estudyante ng Pamantasang Normal ng Pilipinas, paano ka nga ba naaapektuhan ng nasasabing di makatarungang pagtataas ng presyo ng langis?

Naalala ko noong ako pa ay nasa murang edad, ang pamasahe lamang noon ay 4.50 mula Philcoa papuntang UP. Doon kasi nagtuturo ang aking lola noon at sinasama nya ako. Sa 100 piso na baon namin para sa isang araw, nakakakain pa kami ng fishballs at kikiam sa tabi ng Vinzons Hall sa UP pagkatapos ng klase. Hindi namin alintana ang pamasahe noon, ang 20 pesos mo noon ay sakto na para sa aming dalawa at balikan pa.

Ngayon, ang pamasahe sa dyip ay nag-aambang magtaas muli dahil sa pagsirit ng presyo ng langis. Ang dating 30-40 pesos noon, ngayon ay 50-60 pesos na ngayon. Ano ang dahilan? Ang Oil Deregulation Law. Ano nga ba ito?

Ang Oil Deregulation Law ay isang batas na kung saan hindi na hawak ng Gobyerno ang pagtataas ng presyo ng langis dito sa Pilipinas. Ang may mga hawak nito ay ang The Big Three (shell, petron at Caltex) na kung saan sila-sila na lamang ang nagdidikta ng presyo ng langis dahil sa kanilang mga ispekulasyon ng di-umanong “shortage”. Kung dati ang pagtataas ng presyo ng langis ay dumadaan pa sa public hearing at imbestigasyon, ngayon patext-text nalang kung magkano na ang dapat na presyo ng langis dahil sa sila-sila na lamang ang magdedesisyon.

Ibasura ang Oil Deregulation Law at ibalik sa masang pilipino ang kapangyarihan para sa wastong presyo ng langis.

originally published: STAND PNU FB Account

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s