ni: Nayong Libo

Mula sa isang pamosong kasabihan na ang mga guro ay isang marangal na propesyon na nagbibigay diin sa kabayanihang taglay nito sa ating lipunang ating kinagaglawan. Madalas din bansagang mga bayani dahil na rin sa kanilang natatanging ambag sa pamamalakad ng sektor ng edukasyon.

Tumatawag ng pansin ang sektor ng kaguruan sa ating bansa sa pangunguna ng kinatawan  Alliance of Concerned Teachers partylist na si Antonio Tinio sa kongreso sa pag-aapruba ng Salary Grade 15 o dagdag na porsyento sa sahod ng mga guro. Kung maisasakatuparan at maisasabatas ang naturang hain ay magiging 24, 886 pesos ito mula sa 15, 000 pesos na minimum na sahod ng mga guro sa ating bansa.

Ang sektor ng edukasyon ay marami pang dapat habulin upang masolusyunan lahat ng sakit nito. 54,060 ang kulang na guro sa ating bansa at samu’t sari ang dahilan nito tulad ng lamang ng pagiibang bayan ng ilan nating mga guro dahil na rin sa mas mataas na oportunidad sa ibang bansa, mababang pasahod at marami pang iba. 61, 343 ang kulang na klasrum sa buong bansa, 816,291 na kulang sa upuan, nangangailangan din ng humigit 400 Milyong piso para maresolba ang kakulanagan sa textbooks at 113,051 ang kakulangan sa water and sanitation facilities. Umaabot sa 91.54 Bilyong piso ang kakailanganin upang matugunan ang lahat ng ito. Malayo sa 23.4 Bilyong pisong nilaan ni Pnoy sa sektor ng edukasyon. Sa katunayan naglaan ng mas mataas na badyet sa pambayad utang at sa AFP  NA nadagdagan ng 10 bilyon at tinaasan din ang pork barrel mula  10.9 bilyon nitong  2010 ay dumoble at naging 24.8 bilyong piso.

“Teachers may not be in the combat zone like soldiers, but daily we devote our lives to teaching the youth and ensuring that the next generation of Filipinos receive the best education the public school system can offer. We face our own set of challenges, dealing with the rising costs of living, regressive tax measures, and almost inaccessible social services,” pahayag ni Jack Bacabac, pangalawang pangulo ng Quezon City Public School Teachers Association.

Binigyang diin din ng kinatawan ng ACT Teachers Partylist na si Antonio Tino na mabigyang prayoridad ang mga kaguruan sa kabila na ang ito ang may pinakamababang sahod sa lahat ng empleyado ng gobyerno. “Government efforts to upgrade the educational system cannot succeed unless the plight of public school teachers is alleviated. Facilities and equipment are as good as the people who manage and operate them. Teachers in dire conditions can never be expected to turn in good quality students and future leaders of our land,”

Patuloy na inaasahan ng susunod na henerasyon ang hanay ng kaguruan. Mananatili pa rin itong isang impluenemsyal na katauhan at halimbawa sa realidad ng buhay. Kaya mahalagang isaisip ng bawat kabataan at lahat ng mamamayan na ang laban ng ating kaguruan ay isang malakas na laban ng iba pang sektor ng lipunan upang hubugin, mulatin at palakasin ang mga paniniwala, kultura, tradisyon at ideolohiyang dapat taglayin ng mga Filipino.

Teachers teach to touch lives pa rin. Kaya nitong bigyan ng panibagong hubog at karakter ang iba’t ibang uri ng mga tao sa lipunan mula sa pinakamasa hanggang sa pinaka-elite na antas. Mahalaga ring tandaan na ang pakikibaka ng mga guro sa ekonomiya, politika at cultural na larangan ay isang hakbang na dapat marklahan sa unti-unti ngunit tuloy-tuloy na pakikibaka para sa pagkakamit ng tunay na kalayaan ng ating sambayanan.

Lahat tayo ay puwedeng maging guro. Guro ng bawat isa. Guro ng bawat kapwa. Lahat ng taong tapat na nagbabahagi ng kanilang sarili para sa kanilang pamilya, kapwa, lipuinan ay silang mga tunay na guro ng ating sambayanan. Teachers ACT now!

Sanggunian: Bulatlat.com, gmanews.tv, ACT Teachers Partylist

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s