Archive for the ‘Kultura’ Category

ni Rod Cuera

Ipinagdiriwang taon-taon ang Pandaigdigang Araw ng mga Guro o World Teachers’ Day simula noong Oktubre 5, 1994 bilang paggunita sa mahalagang kontribusyon ng mga guro sa paghulma sa mga mag-aaral at mamamayan ng iba’t ibang bansa. Mula sa pinakapayak na mamamayan hanggang sa pinakamatataas na pinuno ng bayan, nagsisilbi ang mga guro sa pormasyon ng kamalayan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.

Ngunit kailangang idiin na higit pa sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan ang papel ng mga guro at edukador. Itinuro ng kasaysayan sa mga guro na hindi nakukupot sa loob ng silid-aralan ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi rin ang guro ang tanging bukal ng kaalaman, na tila itinuturing ang lahat ng sinasambit ng guro bilang totoo at hindi mababali. At lalo’t higit na hindi dapat ituring ng mga guro ang kanilang mga estudyante bilang tagasalo lamang ng kaalaman. Sa pamosong libro ni Paulo Freire na Pedagogy of the Oppressed, itinanghal ang pedagohiya – o ang sining, agham at propesyon ng pagtuturo at pagpapalaganap ng kaalaman – bilang isang tereyn ng tunggalian. Nangangahulugan ito na may politika ang pagtuturo kung saan ang mga kaalaman na ibinabato ng iba’t ibang guro ay maaaring magkakatunggaling kaalaman. Ang itinuturo ng isang guro ay maaaring pabor sa dominanteng mapang-aping sistema, samantalang ang itinuturo ng isa pang guro ay maaaring tumutuligsa naman sa mapang-aping sistema.

Pedagohiya at Kolonyalismo

Sa kasaysayan ng tunggalian sa loob ng sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas, makikita na malaki ang kinalaman ng politika sa pagkakatatag ng mga paaralan at sa pagkakatatag ng propesyon ng pagtuturo. Makikita ito sa mga paraan ng pagtuturo at nilalaman ng pagtuturo simula pa noong ipamana ng mga Kastila ang kanilang kolonyal na edukasyon sa Pilipinas – ang edukasyon noon ay nagsisilbi sa interes ng kolonyalismong Kastila. Ang mga dasal at aralin na itinuturo sa paaralan ay naglalayong yakapin ang kolonyal na relihiyon at ang monarkiya ng Espanya. Gayundin, ang mga gawi at kilos na itinuturo sa paaralan ay yaong umaayon sa sistema ng kolonyalismo – mula sa pananalita, pag-iisip, at maging sa pananamit. Makikita, kung gayon, sa ganitong kalakaran na ang sistemang pang-edukasyong itinatag ng mga kolonisador ay tigib ng politikang naaayon sa interes ng mananakop, upang hulmahin ang mga kinokolonisang mamamayan bilang tagasunod lamang sa dikta ng dayuhan.

Nagpatuloy ito sa panahon ng kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas, bagama’t naging mas agresibo at sistematiko ang kolonisasyon sa edukasyon sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga Amerikano ng pampublikong sistema ng edukasyon. Pangunahing tuon ng mga Amerikano noon na gawin ang mga Pilipino na “brown Americans” – na siyang ubod at buod ng kolonyal na edukasyon ng mga Amerikano. Ang wika’y ipinako sa Ingles at ang layunin ng pampublikong edukasyon ay gawing mga burukrata (o papalit sa mga posisyon ng mga Amerikano sa mga ahensiya ng pamahalaan) ang mga Pilipino. Hindi nga ba’t ganito ang orihinal na tunguhin kung bakit itinatag ng mga kolonisador na Amerikano ang Philippine Normal University (PNU) at University of the Philippines (UP)?

Pedagohiya at Neoliberalismo

Sa kasalukuyan, hindi pa rin tunay na malaya ang sistemang pang-edukasyon ng bansa mula sa dikta ng dayuhang interes. Bagong porma ng kolonyalismo – o ang neokolonyalismo – ang siyang ipinadadaloy na kamalayan sa sistemang pang-edukasyon sa bansa. Hindi man direktang kontrolado at nakaupo sa mga posisyon ng gobyerno ang mga kolonisador, malaki pa rin ang impluwensiya at kapangyarihan ng mga neokolonisador, partikular ang Estados Unidos, sa pagpapatakbo ng Pilipinas, laluna sa sistemang pang-edukasyon, pampubliko man o pribado.

Isa sa mga sistemang nagpapatakbo sa gobyerno ng Pilipinas ay ang neoliberalismo. Ang neoliberalismo ay isang palisiyang pang-ekonomiya at panlipunan na nakasandig sa pribadong kapital, negosyo at pagkakamal ng kita. Ipinagdiriinan ng neoliberalismo ang diumano’y pagiging mabisa ng pribadong pangangalakal (private enterprise). Kung kaya’t isinusulong ng neoliberalismo na palakasin ang papel at pahigpitin ang hawak ng pribadong sektor sa mga programa ng gobyerno. Sa esensiya, ninanais ng neoliberalismo na maging puso at utak ng gobyerno ang pribadong interes. Nangangahulugan ito na patatakbuhin ang gobyerno at ang mga ahensiya nito na tila mga negosyong ang primaryang layunin ay ang lumikha ng super-tubo at super-ganansiya para sa pribadong sektor.

Hindi na ngayon nakapagtataka kung bakit ang gobyerno ay nakatuon sa pagpapalakas ng presensiya ng pribadong sektor at pribadong pamumuhunan sa mga programa at palisiya nito. Pinakamatunog na neoliberal na adyenda ng administrasyong Noynoy Aquino ay ang pagpapalakas ng “private-public partnership” at ito ang ipinatutungo niya maging sa sektor ng edukasyon. Halimbawa, sa PNU, ibinubukas ng administrasyon ni Pang. Ester B. Ogena ang pamantasan sa “multi-stake holders” para mamuhunan rito.

Ito na siguro ang pinakamasaklap na kinahihinatnan ng edukasyon sa loob ng isang sistemang ang layunin ay pagkakamal ng kita para sa pribadong negosyo. Hindi nga ba’t ang neoliberalismo sa edukasyon ay sipat na sipat sa pagkaltas ng subsidyo ng gobyerno sa pampublikong edukasyon at sa pagtulak ng pamahalaan sa state universities and colleges (SUCs) tungo sa kangkungan ng pribatisasyon at komersyalisasyon? Sa panukalang P1.8 trilyong pambansang badyet para sa 2012, nasa P238 bilyon lamang ang inilalaang badyet sa edukasyon habang P700 bilyon ang badyet para sa utang panlabas. Ang pagbabawas ng gobyerno sa responsibilidad nitong subsidyo sa edukasyon ay sa katunayan pagtulak sa mga paaralan na magtaas ng matrikula’t iba pang bayarin na ipinababalikat sa mga mag-aaral.

Ang taong-taong kaltas sa badyet sa sektor ng edukasyon ay nag-aanak lamang ng mga problema para sa mga guro at mag-aaral. Halimbawa, dahil sa mababang badyet sa edukasyon, ang kahingiang P2,000 kada taon na chalk allowance ay tinatawaran ng P1,000 kada taon ng gobyerno. Habang maliit ang chalk allowance, walang magawa ang mga guro kundi ipapasan sa sariling mga bulsa ang gastusin sa chalk.

Samantala, ang nagaganap na pagdinig ngayon sa mga mungkahing pagbabago sa Konstitusyon, partikular sa edukasyon, ay kakikitaan ng pagsandig ng administrasyong Aquino sa liberalismo sa pamamagitan ng pagbubukas sa mga sektor ng midya at edukasyon sa dayuhang pamumuhunan.

Pedagohiya ng Pagpapalaya

Sa anumang senaryo ng pagtuturo at pagkatuto, laging ipinaaalala ng kasaysayan na kapwa natututo ang guro at estudyante sa isa’t isa. Ito na marahil ang sentral na tesis ng isang mapagpalayang pedagohiya – na ang edukasyon ay hindi nakapedestal. Nangangahulugan ang ganitong asersyon na ang guro ay mag-aaral rin, at na ang guro ay miyembro, higit sa anupaman, ng lipunang kaniyang kinabibilangan. At na mayroong panlipunang responsibilidad ang mga guro na maging makabayan at paglingkuran ang sambayanan.

Ayon pa nga kay Freire, sa loob ng tradisyonal na pedagohikal na sistema, itinuturing ang estudyante bilang buslong walang laman na ang pumupuno ay ang guro. Itong kaisipang ito ay sinuri ni Freire bilang isang modelo ng pedagohiya na alinsunod sa sistema ng pagbabangko (banking system) kung saan itinuturing ang kaalaman bilang salaping iniimbak sa utak na tila bangko o alkansiya. Ipinamalas ni Freire sa kaniyang pagsusuri na hungkag at atrasado ang ganitong tipo ng konsepto ng pedagohiya – sapagkat kailanman hindi dapat isalalak ang estudyante bilang taga-imbak lamang ng kaalaman; na tila ba hindi kayang iproseso at suriin ng mag-aaral ang mga ideya’t konseptong ipinagkakasya sa kaniya bilang bagong kaalaman.

Samakatuwid, ano ang nais ipatungo ni Freire sa pangkalahatang sistema ng pagtuturo at pagkatuto? Na ang pedagohiya ay dapat ituring ang mag-aaral bilang kapwa-manlilikha ng kaalaman. At dahil sa ganitong pagpapabatid, maaaring pasulungin pa ang isang transpormatibo at mapagpalayang pedagohiya, kung saan ang mag-aaral at guro, sa pangkalahatan, ay hindi dapat ipinipinta bilang magkatunggali, kundi bilang magkakampi at magkasama sa hangarin na paglingkuran at palayain ang sambayanan.

 

Originally published: The Torch 4th issue 2011

ni Rod Cuera

Ipinagdiriwang taon-taon ang Pandaigdigang Araw ng mga Guro o World Teachers’ Day simula noong Oktubre 5, 1994 bilang paggunita sa mahalagang kontribusyon ng mga guro sa paghulma sa mga mag-aaral at mamamayan ng iba’t ibang bansa. Mula sa pinakapayak na mamamayan hanggang sa pinakamatataas na pinuno ng bayan, nagsisilbi ang mga guro sa pormasyon ng kamalayan ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.

Ngunit kailangang idiin na higit pa sa pagtuturo sa loob ng silid-aralan ang papel ng mga guro at edukador. Itinuro ng kasaysayan sa mga guro na hindi nakukupot sa loob ng silid-aralan ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi rin ang guro ang tanging bukal ng kaalaman, na tila itinuturing ang lahat ng sinasambit ng guro bilang totoo at hindi mababali. At lalo’t higit na hindi dapat ituring ng mga guro ang kanilang mga estudyante bilang tagasalo lamang ng kaalaman. Sa pamosong libro ni Paulo Freire na Pedagogy of the Oppressed, itinanghal ang pedagohiya – o ang sining, agham at propesyon ng pagtuturo at pagpapalaganap ng kaalaman – bilang isang tereyn ng tunggalian. Nangangahulugan ito na may politika ang pagtuturo kung saan ang mga kaalaman na ibinabato ng iba’t ibang guro ay maaaring magkakatunggaling kaalaman. Ang itinuturo ng isang guro ay maaaring pabor sa dominanteng mapang-aping sistema, samantalang ang itinuturo ng isa pang guro ay maaaring tumutuligsa naman sa mapang-aping sistema.

 

Pedagohiya at Kolonyalismo

Sa kasaysayan ng tunggalian sa loob ng sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas, makikita na malaki ang kinalaman ng politika sa pagkakatatag ng mga paaralan at sa pagkakatatag ng propesyon ng pagtuturo. Makikita ito sa mga paraan ng pagtuturo at nilalaman ng pagtuturo simula pa noong ipamana ng mga Kastila ang kanilang kolonyal na edukasyon sa Pilipinas – ang edukasyon noon ay nagsisilbi sa interes ng kolonyalismong Kastila. Ang mga dasal at aralin na itinuturo sa paaralan ay naglalayong yakapin ang kolonyal na relihiyon at ang monarkiya ng Espanya. Gayundin, ang mga gawi at kilos na itinuturo sa paaralan ay yaong umaayon sa sistema ng kolonyalismo – mula sa pananalita, pag-iisip, at maging sa pananamit. Makikita, kung gayon, sa ganitong kalakaran na ang sistemang pang-edukasyong itinatag ng mga kolonisador ay tigib ng politikang naaayon sa interes ng mananakop, upang hulmahin ang mga kinokolonisang mamamayan bilang tagasunod lamang sa dikta ng dayuhan.

Nagpatuloy ito sa panahon ng kolonyalismong Amerikano sa Pilipinas, bagama’t naging mas agresibo at sistematiko ang kolonisasyon sa edukasyon sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga Amerikano ng pampublikong sistema ng edukasyon. Pangunahing tuon ng mga Amerikano noon na gawin ang mga Pilipino na “brown Americans” – na siyang ubod at buod ng kolonyal na edukasyon ng mga Amerikano. Ang wika’y ipinako sa Ingles at ang layunin ng pampublikong edukasyon ay gawing mga burukrata (o papalit sa mga posisyon ng mga Amerikano sa mga ahensiya ng pamahalaan) ang mga Pilipino. Hindi nga ba’t ganito ang orihinal na tunguhin kung bakit itinatag ng mga kolonisador na Amerikano ang Philippine Normal University (PNU) at University of the Philippines (UP)?

 

Pedagohiya at Neoliberalismo

Sa kasalukuyan, hindi pa rin tunay na malaya ang sistemang pang-edukasyon ng bansa mula sa dikta ng dayuhang interes. Bagong porma ng kolonyalismo – o ang neokolonyalismo – ang siyang ipinadadaloy na kamalayan sa sistemang pang-edukasyon sa bansa. Hindi man direktang kontrolado at nakaupo sa mga posisyon ng gobyerno ang mga kolonisador, malaki pa rin ang impluwensiya at kapangyarihan ng mga neokolonisador, partikular ang Estados Unidos, sa pagpapatakbo ng Pilipinas, laluna sa sistemang pang-edukasyon, pampubliko man o pribado.

Isa sa mga sistemang nagpapatakbo sa gobyerno ng Pilipinas ay ang neoliberalismo. Ang neoliberalismo ay isang palisiyang pang-ekonomiya at panlipunan na nakasandig sa pribadong kapital, negosyo at pagkakamal ng kita. Ipinagdiriinan ng neoliberalismo ang diumano’y pagiging mabisa ng pribadong pangangalakal (private enterprise). Kung kaya’t isinusulong ng neoliberalismo na palakasin ang papel at pahigpitin ang hawak ng pribadong sektor sa mga programa ng gobyerno. Sa esensiya, ninanais ng neoliberalismo na maging puso at utak ng gobyerno ang pribadong interes. Nangangahulugan ito na patatakbuhin ang gobyerno at ang mga ahensiya nito na tila mga negosyong ang primaryang layunin ay ang lumikha ng super-tubo at super-ganansiya para sa pribadong sektor.

Hindi na ngayon nakapagtataka kung bakit ang gobyerno ay nakatuon sa pagpapalakas ng presensiya ng pribadong sektor at pribadong pamumuhunan sa mga programa at palisiya nito. Pinakamatunog na neoliberal na adyenda ng administrasyong Noynoy Aquino ay ang pagpapalakas ng “private-public partnership” at ito ang ipinatutungo niya maging sa sektor ng edukasyon. Halimbawa, sa PNU, ibinubukas ng administrasyon ni Pang. Ester B. Ogena ang pamantasan sa “multi-stake holders” para mamuhunan rito.

Ito na siguro ang pinakamasaklap na kinahihinatnan ng edukasyon sa loob ng isang sistemang ang layunin ay pagkakamal ng kita para sa pribadong negosyo. Hindi nga ba’t ang neoliberalismo sa edukasyon ay sipat na sipat sa pagkaltas ng subsidyo ng gobyerno sa pampublikong edukasyon at sa pagtulak ng pamahalaan sa state universities and colleges (SUCs) tungo sa kangkungan ng pribatisasyon at komersyalisasyon? Sa panukalang P1.8 trilyong pambansang badyet para sa 2012, nasa P238 bilyon lamang ang inilalaang badyet sa edukasyon habang P700 bilyon ang badyet para sa utang panlabas. Ang pagbabawas ng gobyerno sa responsibilidad nitong subsidyo sa edukasyon ay sa katunayan pagtulak sa mga paaralan na magtaas ng matrikula’t iba pang bayarin na ipinababalikat sa mga mag-aaral.

Ang taong-taong kaltas sa badyet sa sektor ng edukasyon ay nag-aanak lamang ng mga problema para sa mga guro at mag-aaral. Halimbawa, dahil sa mababang badyet sa edukasyon, ang kahingiang P2,000 kada taon na chalk allowance ay tinatawaran ng P1,000 kada taon ng gobyerno. Habang maliit ang chalk allowance, walang magawa ang mga guro kundi ipapasan sa sariling mga bulsa ang gastusin sa chalk.

Samantala, ang nagaganap na pagdinig ngayon sa mga mungkahing pagbabago sa Konstitusyon, partikular sa edukasyon, ay kakikitaan ng pagsandig ng administrasyong Aquino sa liberalismo sa pamamagitan ng pagbubukas sa mga sektor ng midya at edukasyon sa dayuhang pamumuhunan.

 

Pedagohiya ng Pagpapalaya

Sa anumang senaryo ng pagtuturo at pagkatuto, laging ipinaaalala ng kasaysayan na kapwa natututo ang guro at estudyante sa isa’t isa. Ito na marahil ang sentral na tesis ng isang mapagpalayang pedagohiya – na ang edukasyon ay hindi nakapedestal. Nangangahulugan ang ganitong asersyon na ang guro ay mag-aaral rin, at na ang guro ay miyembro, higit sa anupaman, ng lipunang kaniyang kinabibilangan. At na mayroong panlipunang responsibilidad ang mga guro na maging makabayan at paglingkuran ang sambayanan.

Ayon pa nga kay Freire, sa loob ng tradisyonal na pedagohikal na sistema, itinuturing ang estudyante bilang buslong walang laman na ang pumupuno ay ang guro. Itong kaisipang ito ay sinuri ni Freire bilang isang modelo ng pedagohiya na alinsunod sa sistema ng pagbabangko (banking system) kung saan itinuturing ang kaalaman bilang salaping iniimbak sa utak na tila bangko o alkansiya. Ipinamalas ni Freire sa kaniyang pagsusuri na hungkag at atrasado ang ganitong tipo ng konsepto ng pedagohiya – sapagkat kailanman hindi dapat isalalak ang estudyante bilang taga-imbak lamang ng kaalaman; na tila ba hindi kayang iproseso at suriin ng mag-aaral ang mga ideya’t konseptong ipinagkakasya sa kaniya bilang bagong kaalaman.

Samakatuwid, ano ang nais ipatungo ni Freire sa pangkalahatang sistema ng pagtuturo at pagkatuto? Na ang pedagohiya ay dapat ituring ang mag-aaral bilang kapwa-manlilikha ng kaalaman. At dahil sa ganitong pagpapabatid, maaaring pasulungin pa ang isang transpormatibo at mapagpalayang pedagohiya, kung saan ang mag-aaral at guro, sa pangkalahatan, ay hindi dapat ipinipinta bilang magkatunggali, kundi bilang magkakampi at magkasama sa hangarin na paglingkuran at palayain ang sambayanan.

 

Originally published: The Torch 4th issue 2011

ni Kiko Espinoza

Langit
Biyaheng-langit kung ituring ng mga kumpanya ng pagmimina ang pagbyahe ng ating mga likas na yaman sa ganang kanilang nais. Nakapagtataka kung bakit napakalakas ng loob ng mga ito na magsagawa ng malawakang operasyon kahit napakalaki na ng epekto nito sa pagkasira ng kalikasan at sa kabuhayan ng mga nasa kabundukan at kanayunan.

Ayon sa “Deklarasyon ng Palisiya” (seksyon 2) ng Republic Act 7942, o ang tinatawag na Mining Act of 1995:  “All mineral resources in public and private lands within the territory and exclusive economic zone of the Republic of the Philippines are owned by the State. It shall be the responsibility of the State to promote their rational exploration, development, utilization and conservation through the combined efforts of government and the private sector in order to enhance national growth in a way that effectively safeguards the environment and protect the rights of affected communities.”

Ngunit taliwas sa deklarasyong ito, napakaraming paglabag ng mga kumpanya ng minahan sa Pilipinas. Isa na rito ang pagkasira ng ating mga likas na yaman, ang pagkasira ng kabuhayan ng mga tao’t katutubo sa mga lugar na sakop ng pagmimina, at higit sa lahat ay ang walang direktang katugunan sa pagtaas ng Gross National Product (GNP). Nasisira na ang likas na ating yaman ay wala pa itong pakinabang sa mamamayan.

Samantala, ayon sa posisyong papel ng Center for Environmental Concern (CEC), “We have learned the hard way under RA 7942. We have seen how the current mining law has directly contributed to some of the worst environmental tragedies the Philippines has faced; to the continuing destruction and degradation of our coastal, agricultural, and upland ecosystems; to recurring violations of civil, political, and human rights; to the displacement of indigenous peoples from their ancestral lands; and to the stunting of the domestic agricultural and industrial economy which has made poverty a lingering and ugly reality in our country.”

Ang isa pang usapin dito ay ang paghahari ng mga dayuhang kumpanya ng pagmimina sa ating bansa. Napalaki ng ganansyang nakukuha ng mga ito sa gobyerno lalo pa’t kung iisipin ay mayroon tayong suliranin sa usapin ng lupa. Ang mga magsasaka na pinagkakaitan ng lupang mapagtatamnan ng mga ginintuang palay at iba pang pananim. Ni ito natutugunan sa sarili nitong bayan dahil sa pangangamkam ng mga higanteng tumatalima lamang sa kanilang pansariling interes.

Ang nangyari sa pagmimina sa Surigao ay isang halimbawa ng mapanirang epekto sa kalikasan at kabuhayan ng large-scale mining. Halos patagin na ang kabundukan mula sa paghuhukay ng nickel. Isa ang Pilipinas sa limang bansa sa buong mundo na mayaman sa ganitong klase ng mineral. Ngunit gayunpaman, wala na nga itong kapakinabangan sa mga katutubong naninirahan doon ay inaabuso pa ng mga kapitalista ang ating likas na yaman ng bayan.

Lupa
Litanya kung susumahin ang usapin sa lupa ng ating bayan. Ganansya ng mga kapitalista mula sa pagpapatayo ng industriyang pang-negosyo na nagtutulak sa ating mga kababayan na magpaalipin sa kanilang mga operasyon. Pagbebenta ng gobyerno ng lupa ng bayan sa mga dayuhan mula sa tapik ng imperyalistang tulad ng Estados Unidos.

Kung ating susuriin, gobyerno pa ang tumatayong abugado ng mga dayuhang kumpanya pagdating sa pagkasira ng kalikasan. Dahil diumano legal ang kanilang operasyon at walang nilalabag na batas ang mga kumpanya, kahit pa kapalit nito’y ang kabuhayan at karapatan sa lupa ng mismong mamamayan.

Dagdag pa rito ang Parity Ammendments of 1946 na isinasaad ang pantay na karapatan ng mga Amerikano na makinabang sa likas na yaman ng bansa para sa pagnenegosyo. At dahil dito, lalo pang itinutulak ng pamahalaang Aquino na ipagbili ang mga lupain ng Pilipinas sa mga kapitalistang dayuhan habang pinalalayas ang mga magsasaka at katutubo mula sa kanilang pagmamay-aring lupain. Bukod rito’y nalulugmok ang maliliit at lokal na mga negosyo ng bayan dahi sa pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa.

Halos 30 taon na ang operasyon ng Taganito Mining Corporation (TMC) sa Surigao del Norte. Napakalawak ng nasirang lupain mula sa paghuhukay at pagbubulwak ng lupa para sa pagkuha ng mga mineral. Nasira ang kabuhayan ng mga katutubong Lumad na Mamanwa mula sa lupain ng kanilang mga ninuno at ang kanilang lupang sakahan na pinagkukuhanan ng kanilang kabuhayan.

Naging kamal ang korporasyon upang mapababa ang babayaran nitong buwis. Nakipagkuntsabahan ito sa mga lokal na opisyal, kung kaya’t mula sa P400 milyong buwis na dapat na bayaran ay napababa ito sa P40 milyon na lamang.

Samantala, ang Platinum Group Metal Corporation (PGMC) ang isa rin sa naging sanhi ng pagkakalbo ng mga kagubatan at tuluyang pagkasira ng mga ilog. Gayundin ang Taganito High-Pressure Acid Leaching Plant (THPAL-Sumitomo) na gumagamit na nakapipinsala at nakalalasong kemikal sa pagproseso ng nickel. Hindi rin nawawala ang pang-aabuso ng mga ito sa kanilang mga manggagawa na pronto sa kanilang operasyon. Bukod sa mababang pasahod ay wala ring benepisyo ang mga kontraktwal na trabahador.

Impyerno
Delubyo kung maituturing ang masamang epekto ng pagmimina. Nakokontamina ang mga ilog, sapa at dagat, dahilan kung bakit namamatay ang mga yamang-dagat malapit sa mga bayang pinamumugaran ng mga pagmimina. Nakokontamina rin ang tubig mula sa mga dam. Nagbubunsod din ito ng pagbaha sa mga mababang lugar dahil sa mga basura na mula sa mga minahan. Palasak naman ang pagkakasakit sa baga ng mga mamamayang naninirahan malapit sa mga minahan dahil sa usok at alikabok na mula sa pagbubulwak ng lupa.

Nasusunog sa asupre ng kahirapan ang maaaring ilarawan sa mga taong naninirahan malapit sa minahan sa Surigao del Norte: pagkawasak ng kanilang kabuhayan, pagkasira ng mga lupang sakahan at pagkawala ng kariktan ng lugar.

Kung magpapatuloy ang mala-demonyong panunupil at panggagahaman ng dayuhang kumpanyang minahan sa Pilipinas, patuloy na malulugmok sa delubyong pamumuhay ang mga taong apektado nito mula sa pahiwatig ng pansariling interes upang katasan ang ating likas na yaman.

Walang ibang nagkakamal at yumayaman kundi ang namumuhunan. Walang ibang naperwisyo kundi ang mamamayan. Walang ibang nakinabang sa yaman ng bayan kundi ang mga kapitalista, ang kanilang mga kasabwat, at ang reaksyonaryong gobyerno. Matagal nang panahon na tinututulan ang paninibasib ng mga dayuhan at pribadong kumpanya ng pagmimina sa bansa. Hindi ito dapat malibing sa hukay na binungkal ng pagmimina.

 

ni: Maria Agapita B. Villasencio

A festive moment indeed it is for the PNU Community as the Freshmen ranked first among 9 state universities and colleges in the field demonstration event of the 24th State Colleges and Universities Athletic Association last January 24, 2011. The freshmen strut their stuff in the spacious open field of the Polytechnic University of the Philippines who is the host university of the season. This year’s theme

FIESTA SA PROBINSYA is an exceptional concept by both Professors Ivy Joy Capunitan and Joanna Rose Burgos who are very much grateful for the recognition that they have garnered. This year’s field demonstration also proves the fact that PNU creates dynamic moves and gives creative concepts nailing to the past the controversy that occurred last year as the university ranked second to that of Rizal Technological University who allegedly concocted their championship in that event.

Fiesta sa Probinsya : THE HEART OF THE ROUTINES

Routine movements have always been remarkable in every field demonstration of PNUans. If last year it was teacher education-related, this time PNUans gave a different taste of concept – Fiesta sa Probinsya.

Fiesta sa Probinsya is a concept utilizing the festive attitude of Filipino people gratifying the harvest they had after experiencing series of difficulties in both planting and fishing times.

This concept is fused with the steps and movements learned in the Physical Education and Health and Rhythm and Dance subjects. The routine practiced for more than a month also incorporated liftings which formed boats and fishermen searching for perfect spots to gather fish; they even had moving calesas that marked the start and the end of their performance. The bamboo containers that every individual had contained the necessary props that were used in the next routines. Hand gestures accompanied by large flowing fans resembled as flowing waters of the sea. The selected few had umbrellas which served as the wheels for the calesa. Plant-like batons again owned by few were used as growing produce from the farm. Different were are also used in the presentation. Calesa by Levi Celerio was used to signal the entrance of the whole team along with the two moving calesas while Magtanim Ay ‘Di Biro, a Filipino folk song was played along the farming scene. Another folk song depicting fishing was likewise used in the fishermen part of the routine where the fishermen in their bancas were paddling their way into the sea and a Visayan courtship song was sang by all while doing the gala part of the routine. Heightening the performance, an upbeat dance song highlighted the synchronized movements of every individual making the audience roared with praises and encouragement. Riding back in the calesa left the audience, fellow competitors and the judges awestruck and delighted with the performance. No questions, no judgements were raised because the PNU team had an original and unforgettable performance.

THE DYNAMIC DUO

The winning would not be possible if not for the professors who put their sweat and hearts out for this event. Professors Ivy Joy Capunitan (also known as Ma’am Ivy) and Joanna Rose Burgos (also known as Ma’am Jei – Ar) are both proud PNUans. Both belonging to the well – esteemed faculty of the Department of Physical Education graduated with their Bachelor’s degree in the university in 2003 and earning their Master’s degree last March 2010. Their knowledge of folk dances came from their mentor, Dr. Larry Gabbao because they were once members of the widely – acclaimed PNU Kislap Sining Dance Troupe. With their scope of knowledge on routines and dances and hints of personal memoirs, no wonder that this “dynamic duo” would be the source of the praised field demonstrations delivered especially by the freshmen.

Of Sweats

Practices did not actually start as the second semester commenced. Freshmen classes under Physical Education 1 and 2 classes are put into auditions. Since changes were made in the mechanics of the contest the original number of 1300 participants downsized into an estimated 750. With that in mind, Professors Ivy and Jhei – Ar had to make the cuts of those sections who are entitled to join and those who are not. The audition piece taught the students are those routines that they actually used in the presentation.

The sections are grouped into their specific times to practice the steps. After a week of training the basic steps for the auditions, the professors decided the participants by deciding which groups had their movements close to synchronization. At the end of the auditions, only nine sections were qualified. The actual practice lasting for a month and a half was conducted in their respective classes first.

As January came, the sections are called to practice together under the heat of the sun in the open field of the university. At that point the routines are carefully scrutinized by the professors through the help of Professor Lordinio Vergara, the head of Center for Sports Development. Liftings and props were made into use three weeks before the actual performance  so as to be counted along with the earlier routines for insertion. Two weeks before the competition proper, the participants are excused from their classes because an excuse letter signed by the heads Dr. Salve A. Favila of the Department of Physical Education and Dr. Lordinio Vergara are forwarded to the respective professors excusing them and wishing their success in this event. The group had the chance to do their general rehearsal in the open field of PUP for two different days – one for the rehearsal and the other for the technical preparation to be put into the area fittingly and accordingly.

THE CONTROVERSY

Drawing from last year’s controversy on the concocted win of Rizal Technological University opposed to PNU garnered various violent reactions to both communities after the event and even in social media like Facebook and Youtube. Many people who have watched the performances of PNU and RTU have varied views on whose team deserved to win the title. Rumors about RTU paying the judges for them to win the title made the fury of those who supported PNU rise. However, the issue was addressed stating that RTU really ruled out and the judges’ decision was final and absolute. Now that the issue had been cleared and settled, both teams faced each other with camaraderie as they competed again for the prize.

******

Looking back at this season’s SCUAA field demonstration event, it shows the character of a true PNUan – creative, hardworking yet humble amidst the accolades. The win of the Freshmen made each PNUan not just proud with what they are but also of their origins as people of the society.. In the next season, the PNU will again deliver a performance that nobody could ever forget.

Indeed, the very concept of farmers and fishermen harvesting the fruit after their hardships could well be attributed to the freshmen reaping the championship after sweats, efforts and time pressure minus the literal rainfall that could have hindered them from being on top.

SOURCES:

Interview with Prof. Joanna RoseBurgos and Prof. Ivy Joy Capunitan

http://www.youtube.com

Scuaa facebook fan page account

ni: Princess M. Samaco

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“ Ang nagdaang kaya’y malilimot pa natin..masasayang araw kaya’y ating sasayangin…”                                                               -Nagdaang araw, PNU Torch Ceremony hymn

Sa paghawak namin ng pumpon ng bulaklak bilang tanda ng pangako at sila naman ay sulo bilang pag-asa, maluwalhati naming pinagsaluhan ang seremonya ng Sulo kamakailan. Napagtanto kong hindi na kami pangkaraniwang mag-aaral ng pamantasan. Kami ay tuluyan nang tumanggap ng karapatan at pananagutan  bilang mga nakatatandang taon sa darating na pasukan.  Hindi ko malaman kung ano nga ba ang dapat maramdaman ng isang papalapit na sa dulo ng pagtuklas ng karunungan hindi ko talaga maitanggi na magkahalo ang aking nararamdaman.

Sa gitna ang lambong ng dapit-hapon, at lamig nang hanging pumapagaspas, Ang malamlam na liwanag ng buwan sa simula ay tanda ng pakikiayon ng panahon. naramdaman ko na malapit na ang pagtatapos.

Bulalakaw, ang nagbigay ng alab sa bawat sulo, sa pagbabahagi ng ilaw, pinasimulan na ang nalalapit na ang paglilipat ng karapatan at tungkulin sa mga nasa ikatlong taon. Sa pagningas ng bawat kandilang saksi, ang paghahanda ng pagbibigay ng pumpon ng bulaklak bilang simbulo ng pangako. Ang pagpapalitan ng dalawang imahe ng katungkulan at karapatan ay nagpapahiwatig ng ugnayan ng kasalukuyan at kinabukasan.

Sa aming pag-awit ng  imno ng Alma Mater, ang  alaala ng aming mga musmos na karanasan noon sa mga unang araw namin sa pamantasan ay tuluyan nang napalitan ng buong pagtanggap ng katungkulan at karapatan mula sa mga lilisang magsisipagtapos.

PAG-ANYAYA, PAGTANGGI AT PAGSISIWALAT: PAGSUSURI SA “ANYAYA SA IMPERYALISTA” NI RUTH ELYNIA MABANGLO

ni John Clifford E. Sibayan

Napapanahon pa ring pag-aralan ang tulang “Anyaya sa Imperyalista” ni Ruth Elynia Mabanglo. Malikhain nitong naipapatimo sa mambabasa ang mahabang kasaysayan ng “espesyal na relasyon” ng bansang Pilipinas sa makapangyarihan at dambuhalang bansang Estados Unidos.

Gamit ang nosyon ng “paanyaya” o “imbitasyon,” ipinapakita ng tula kung paanong ang isang tila pala-kaibigang bansang tulad ng Estados Unidos ay mayroong mga hayag at di-hayag na motibo sa pakikipag-ugnayan sa maliliit at mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.

Mula sa mga elemento at katangian ng tula hanggang sa malalim at malawak na pagksain nito, masusuri sa mahabang tulang ito ni Mabanglo ang “kasaysayan ng pagkakaibigan” at “kasaysayan ng pandarahas” ng imperyalismong Estados Unidos sa bansang Pilipinas.

I. Mga Elemento ng Tula para sa Proyekto ng Pagsisiwalat

Ang mga elemento at katangian ng tula, tulad ng tauhan, tagpuan, tema at tayutay ay maingat na pinili at pinagsama-sama ni Mabanglo sa tulang “Anyaya ng Imperyalista” upang maisiwalat ang kaniyang proyekto ng pagsisiwalat. Paano ito naisagawa ni Mabanglo?

A. Tauhan

Dalawa ang pangunahing tauhan sa tula. Ang una ay ang mahirap na babaeng Filipinong makata, na siyang persona o boses na nagsasalita sa akda. Ang ikalawa naman ay ang mariwasang dayuhang lalaking patron, na siya namang kinakausap ng persona. Unang panauhan ang personang umigpaw sa tula, inilahad niya’t isinalaysay ang mga pangyayari at pag-uusap sa pagitan ng makata at ng patron. Naglarawan ito sa bawat kilos at galaw ng mismong nagsasalaysay ng mga pangyayari at ang tugon ng mismong pinapahatiran ng mensahe.

Nag-uusap o nagdadayalogo ang dalawang tauhan sa tula, sa pamamagitan ng mga “sipi ng pagtatalastasan” nila, sa paraang patula at direkta. Mapapansin na istratehiko ang pagpili ni Mabanglo sa dalawang tauhan: isang mahirap na babaeng Filipinong makata at isang mariwasang lalaking dayuhang patron. Isinisiwalat ni Mabanglo sa pamamagitan ng pagpili sa dalawang tauhang ito ang tinatawag na “binary opposites” o “magkakatunggali o magkakatapat na mga konsepto,” tulad ng (1) mahirap at mariwasa, (2) babae at lalaki, (3) Filipino at dayuhan, at (4) makata at patron.

Ang “binary opposites” na ito na taglay ng magkatapat na tauhan ay hindi lamang nagkataon, kundi “sinadya” ni Mabanglo, upang maisiwalat ang batayang mga pagtutunggalian o paglalaban na mamamasdan sa lipunan, laluna sa konteksto ng relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos. Ang mahirap na babaeng Filipinong makata ay sumisimbolo sa Pilipinas, habang ang mariwasang lalaking dayuhang patron naman ay sumisimbolo sa imperyalistang Estados Unidos.

B. Tagpuan

Nagaganap ang pag-uusap ng dalawang tauhan sa pribadong espasyo ng mayamang patron. Naliligiran ang naturang espasyo ng mga mamahaling likhang-sining o painting na nilikha ng mga tulad ni Fernando Amorsolo, ng mga mamahaling bulaklak mula sa mga flower shop na ang pangunahing kliyente ay mayayaman, at ng iba pang kagamitan at pagkain na tanging ang maririwasa’t dayuhan lamang ang may kakayanang bumili’t magtaglay.

Kung kaya’t sa tula, makikitang ang mahirap na babaeng makatang Filipino ay nakaramdam ng alienasyon – hindi siya mapakali at nag-aalangan sa posisyong kaniyang kinaluluguran sa panahong iyon. Na kahit pa bumili siya ng bagong damit, nagpa-parlor, at naghanda para sa okasyon ng imbitasyong iyon, naramdaman pa rin niya sa huli na “hindi siya nababagay” sa sitwasyon at sa espasyong iyon.

Sa katunayan, sumisimbolo sa pyudal na pamamalakad at ang Filipino na nagpaunlak ng anyaya ng imperyalista sa isang piging na kung saan siya’y inusig at nadiskubre ang tunay na kulay at ang balintunang hangarin nito.

C. Paksa

Ang paksa ng tulang ito ni Mabanglo ay ang “espesyal na relasyon” sa pagitan ng mariwasang patron at ng mahirap na makata. Ang patron ay isang kliyente at taga-pinansiya, may pera kung kaya’t may kakayanang bumili ng mga “likhang-sining” at ng mga “obra maestro” o “magnum opus” ng mga alagad ng sining o artista. Sa kasong ito, ang inanyayahan ng patron ay ang mahirap na makata. Kung kaya’t mapapansin sa buong tula na ang paksa’y umiinog sa pagitan ng “espesyal na relasyon” ng patron at makata.

D. Tema

Ang tema ng tula ni Mabanglo ay pagsisiwalat sa mga pang-uuto at panunuhol ng imperyalismong Estados Unidos. Isinisiwalat sa tula na ang “imbitasyon” o “anyaya” ng imperyalista – kahit na pinapangalanan pang “espesyal na relasyon” o “pagkakaibigan” – ay sa aktwal nanghihingi ng “kapalit” at mayroong malalim na motibong pampolitika, pang-ekonomiya at pangkultura.

Ang nosyon ng imbitasyon o paanyaya, laluna’t nagmumula sa dominante’t higanteng sistema ng imperyalismo, ay ipinapakita ni Mabanglo bilang isang opresibo’t marahas na sistema na naniningil at naninipsip.

E. Mensahe

Mula sa paksa at temang itinatambol ng tulang ito ni Mabanglo, malinaw ang mensahe na nais iparating ng makata sa mambabasa. Na kung ang Pilipinas ay ang mahirap na babaeng makatang Filipino ay sinibasib at dinahas ng mariwasang lalaking dayuhang patron na nagrerepresenta sa imperyalismong Estados Unidos, ang kailangan nitong gawin ay lumaban at huwag sumuko sa pagkubabaw at dominasyon ng imperyalismo. Sa dulo nga ng tula, ang mga pinutol at kinain na mga daliri ng imperyalismong Estados Unidos ay muling tumubo at dumami – na nangangahulugan na ang mga makata, ang mga Filipino ay dapat magkaisa at hindi magpagupo sa mga patron at sa imperyalismo. Dahil napatunayan na sa kasaysayan na ang mga bansang pinakamahihirap at pinaka-inaapi at dinudusta ng imperyalismo ay ang mga bansang nagluluwal ng pinakamaraming bayani, na nakasandig sa sama-sama o kolektibong pagkilos laban sa mapang-api at mapagsamantala.

F. Tayutay

          Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumagamit ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang bigyang-diin ang kanyang saloobin.

Ilan sa mga tayutay na umiinog sa tula ay ang sumusunod at ilan lamang sa mga halimbawa nito ay nagsasaad ng pagkilos ayon sa tayutay na nabanggit:

Ang Metapora o Pagwawangis ay ang tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o katangian ng bagay na inihahambing. Ito ay tinatawag na METAPHOR sa Ingles.

Ang mga bahagi ng tulang “Anyaya ng Imperyalista” ni Mabanglo na makikitaan ng metapora o pagwawangis ay ang sumusunod:

1.

Ulo’t galamay na lamang ako,

Buhay pa ri’t di namimiligro.

Tumatangging pahamig ang aking isip,

Sa mukha ko’y di puputla ang silahis.

Kuwadrong may pinta ang malay,

Paksa’y ako ring ayaw mamatay.

2.

Ang puson ang nagbibigay ng depinisyon,

Bahay-bata ang nagbubukas ng pagkakataon.

3.

Nililipatan ng talahib ang labi kong

Batingaw.

4.

Sa pait nakatanim ang aking pasya,

Sa asim nakahulma ang pagnanasa.

5.

Daliri ang ina ng madlang salita,

Daliri ang humuhugis niring talinghaga.

Ang Pagmamalabis o Hayperbole naman ay ang lagpas-lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o katayuan. Ito ang ilan sa mga halimbawa mula sa tula ni Mabanglo:

1.

Noon kumatok ang alinlangan,

Ano ba ang dahil nitong hapunan?

Ngayong inihahambing ang sarili sa paligid,

Natastas ang tuwa ko’t balisa’y bumahid.

Naalala ang pluma at pangalang naiwan

Sa isang munting hapag ng upahang-silid.

Mula nga pala nang paanyaya’y dumating,

Langhap ng talinhaga’y nawala sa hangin,

Pinangaw ng pangarap ang makinilyang himig,

Nakipil na rin ang hiyaw ng dibdib.

2.

At ako’y nalibid sa isang iglap

Ng isang matalim na liwanag.

Isang magaang na koryente ang gumapang sa balat,

Sa bawat galaw ko’y humihigpit ang banat.

3.

Ulo’t galamay na lamang ako,

Buhay pa ri’t di namimiligro.

Tumatangging pahamig ang aking isip,

Sa mukha ko’y di puputla ang silahis.

Kuwadrong may pinta ang malay,

Paksa’y ako ring ayaw mamatay.

4.

Magsasawa’t mapapagod ka sa pagpanghal,

Mauutas akong ganap

Sa kirot,

Sa lumbay,

Ngunit poot ko’y yayabong,

Tutubong patuloy

Sa sinapupunan ng bumabangong laksang kamay–

Kaliwa’t kanan,

Pati mga paa kung minsan–

Susubo maging sa libu-libong mata’t bibig

Hanggang magtarak ng iba’t ibang tunog,

Ritmo at lirip

Sa milyun-milyong papel,

Hanggang magbangong kamao

Yaong di mabilang na mga kamay:

Sisikil sa ‘yo,

Sasakal,

Sasakmal.

Sa Pasukdol naman, makikita sa kabuuang daloy ng tula mula sa payak na simula patungo sa kasukdulan ng mga pangyayari sa loob nito, pinataas nito ang kamalayn ay kamulatang nakaigpaw sa akda na may kalakip na bisang pandamdamin.

II. Mahirap na Babaeng Filipinong Makata bilang Pilipinas

Upang mas mahusay na masuri ang imperyalismo ay marapat lamang na bigyan ito ng kahulugan sa pagpapalawak at pagtalakay ng kaalamang nakaigpaw sa tulang nabasa. Ang malalimang pagtalakay dito ay makatutulong upang masuri’t mahimay ang malaking kaugnayan nito sa kasalukuyang panahon. Kung susuriing mabuti, ang tula ni Ruth Elynia Mabanglo ay akma pa rin sa kasalukuyang panahon, laluna’t matindi at malalim pa rin ang impluwensiya ng Imperyalismong Estados Unidos sa politika, ekonomiya at kultura ng bansang Pilipinas.

Paano nga ba ang operasyon ng imperyalismo sa mga bansang sakop nito? Ayon kay Raymond Williams, ang imperyalismo ay “primarily a political system in which colonies are governed from an imperial centre, for economic but also for other reasons held to be important, then the subsequent grant of independence or self-government to these colonies can be described, as indeed it widely has been, as ‘the end of imperialism’. On the other hand, if imperialism is understood primarily as an economic system of external investment and the penetration and control of markets and sources of raw materials, political changes in the status of colonies or former colonies will not greatly affect description of the continuing economic system as imperialist. (1983, 159-160)

Nangangahulugan ito na ang imperyalismo ay isang malaki, malawak, dominante at kumukubabaw na sistema sa lahat ng larangan kabilang ang politika, ekonomiya at kultura. Ang pananakop ng mga imperyalistang bansa, sa aktwal, ay kakikitaan ng paggamit ng pisikal na karahasan, politikal na manipulasyon, pag-establisa ng kontrol sa merkado, at pagtataguyod ng isang burgis at neokolonyal na kultura. Ito mismo ang operasyon ng imperyalismo sa mga bansang sakop nito. Paano ito nakikita sa Pilipinas, bilang neokolonya o sakop ng imperyalismong Estados Unidos? Paano ito naisiwalat ng tula ni Mabanglo?

Mapipiga sa bawat saknong ng tulang “Anyaya ng Imperyalista” ni Mabanglo ang mga hakbang, tunguhin, aksiyon, porma, istruktura, at iba pang katangian ng relasyon ng Imperyalismong Estados Unidos sa bansang Pilipinas. Sa literal na lebel, ang persona – o ang tinig na nagsasalita sa akda o tula – ay isang makatang babae, habang ang kinakausap naman ng persona ay isang marawisang lalaking dayuhang patron. Sa ikalawang lebel ng kahulugan, nagsisilbi ang tula bilang politikal na alegorya: ang persona o ang makatang babae sa tula ay nagrerepresenta sa bansang Pilipinas at ang marawisang lalaking dayuhang patron ang Estados Unidos / Imperyalista.

Mainam ngayong suriin ang tula ni Mabanglo sa pamamagitan ng pagbibigay-pokus sa bawat saknong. Dahil ang bawat saknong ng tula ay saknong ng pagsisiwalat.

Ipinakita sa tulang “Anyaya ng Imperyalista” ni Ruth Mabanglo ang isang kambas na patuloy na pagmamanipula’t pang-uusig ng mga imperyalista sa kanilang mga binabansot na bansa gaya ng Pilipinas. Sa unang saknong ng tula ay inilarawan nito ang isa sa batayang hakbang ng makapangyarihang sistema ng imperyalismo ay mayroong dalawang anggulo mula sa paanyaya’t pagbabanta:

Mahigpit ang paanyaya mo,

Ang di pagdalo maaaring ipagtampo.

Sabi ng tarheta, huwag na hindi dumating

Kinabukasan mo ang isa sa mga hain.

Habol pang sulat nagsasabing

Akung-ako lamang ang panauhin.

Naniwala ako, kinilig pa mandin,

Sa wakas, isang mariwasa ang nakapansin.

Paanyaya ito sa puntong unti-unting iginuguhit ng mga imperyalista ang ugnayan sa mga maliliit na bansa na sa tingin nila’y kaya nilang manipulahin mula sa pangangailangan nito at pagbibigay ng mga kakarampot na limos sa mga ito upang masabing ganap ang kanilang paanyaya. Pagbabanta sa punto ng paglihis sa politikal at ekonomikal na daloy ng bansa mula sa kontrolado’t pagmamanipula sa bawat aspekto nito.

Halimbawa sa sinabi ng dating pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush sa panahon ng panggigiyera nito sa bansang Afghanistan, “…it’s either you are with us or against us in this global war against terror.” Mula sa mga katagang ito na binitiwan ni Bush ay makikita ang isang pagbabanta at senyales na kanilang pananakot sa mga hindi makikiisa sa kanilang hakbang. Makikita rin ang layunin ng Estados Unidos sa pagpalaganap ng pagbabanta sa lahat ng nais lumaban at tumaliwas sa kanilang layunin. Sa kabilang banda naman ay makikita ang kanilang mala-teroristang pamamaraan sa pamamagitan ng digmaan.

Mula sa saknong sa ibaba ay makikita kung paano pinaghandaan ng Filipino ang paanyaya ng imperyalista at nilayon na mag-ayos nang husto upang hindi ito mapintasan at mapagtakpan ang tunay na kalagayan nito at abutin ang lebel ng imperyalista sa pagiging makapangyarihan at pagtangkang umangkop sa pamantayan ng dayuhan at dominante:

Bumili ako ng bagong damit,

Nakipagtipan sa meyk-ap artist:

Sa suot at ayos, kailangang ‘da bes’

Upang di mapintasan ng pinoprospek.

Tinitingnan ng Filipino ang kanyang sarili bilang mababang uri lalo na sa mata ng dayuhang imperyalista. Mula sa paghahanda sa mga linyang “Bumili ako ng bagong damit, / Nakipagtipan sa meyk-ap artist: / Sa suot at ayos, kailangang ‘da bes’,” ay maaaring maiangkla ang “artipisyal na pagpapaganda” ng bansa para sa mga “Official State Visit” ng mga imperyalistang bansa at para sa paghikayat ng “Foreign Investors” o mga dayuhang mamumuhunan. Ang manipestasyon ng mga artipisyal na pagpapagandang ito ay mababanaagan sa pagdebelop ng mga lokal na turismo, “urban facelifting” tulad ng demolisyon sa mga maralitang tagalungsod, pagpapaalis sa mga “illegal street vendor,” at iba pang “pisikal na paglilinis” ng lungsod, nayon at bansa sa kabuuan.

Ay siyanga pala, siya ang bos ng kompanya,

Tira ako nang tira’y di n’yo pa kilala.

Hanep sa yaman, huwag mong isnabin,

Ang daming asyenda, katakut-takot ang bilding.

Balita ko pa, nakasawsaw siya,

Sa mga konsesyon ng gobyerno sa abono at troso.

Ipinapakita sa saknong sa itaas na ito ang ugnayan ng imperyalista sa ating gobyerno na parehong magkakuntsaba sa lahat ng transaksyon mula sa lupa hanggang sa negosyo. Kung atin din titingnan sa kabilang banda ang Pilipinas ay mayroong “foreign land ownership” ang mga hacienda ay napapabilang dito mula sa hekta-hektaryang lupain sa Pilipinas na maaari nilang masakop at makamkam at imbes na mapunta sa ganansya ng mamamayan lalo na sa mga magsasaka na ganap na may pangangailangan dito. Ang katagang “katakut-takot ang bilding” naman ang sumisimbolo ng pagbaha ng mga dayuhang negosyo habang nananatiling atrasado ang mga lokal na industriya. Nagpapamalas ito ng primaryang lohika ng imperyalismo: ang pandaruyahan ay para sa pagkakamal ng super-ganansya at super-tubo. Sa mga linyang “Sa mga konsesyon ng gobyerno sa abono at troso,” ay makikita ang mahigpit na kapit at impluwensya sa pagitan ng mga dayuhang kapitalista at ng lokal na pamahalaan. Nirerepresenta at isinisiwalat ng linyang ito ang pagkubabaw ng imperyalismong Estados Unidos sa transaksyong komersyal ng lokal na pamahalaan. Hindi na nakapagtataka, kung gayon, na may malakas na boses at malakas na tulak ang imperyalismo sa mga programang ipinatutupad ng gobyerno: halos lahat ay patungo sa direksyon ng pagsisilbi sa interes ng imperyalistang globalisasyon tulad ng pagkalakal ng murang lakas-paggawa.

Bigyang-tuon naman ang mga sumusunod na saknong:

Kaya naman nang hapong dumating ang anyaya,

Puso’t isip ko’y naging alisaga.

Inilibot ako ng libong lirip,

Nagumong mabuti sa pananabik;

Ang pobre talaga kung dinadangal

Wisyo’y tumitiwalag sa katawan.

Sa silakbo ng tuwa, katwira’y nauutas

Umaalindog ang pagkapahat.

 

Sumapit ang hapunang sa kalendaryo’y nahunos,

Inukilkil ako ng telepono’t relos–

Hinuhugot ko ang buntonghininga

Hangga’t di nararating ang pook na pinetsa.

At naroroon na nga siya,

Tunay na maginoong may papiyesta.

Tumayo siyang gaya ng nararapat,

Ang panauhin, sinalubong agad.

Iniabot ang palad sa aking naglilipak,

Halos tumakas ang aking ulirat.

Mula sa mga linyang “Ang pobre talaga kung dinadangal, / Wisyo’y tumitiwalag sa katawan. / Sa silakbo ng tuwa, katwira’y nauutas, / Umaalindog ang pagkapahat.” Inilalarawan sa mga katagang ito na sinisilaw ng mga imperyalista ang mamamayan sa mga “State side” na mga produkto upang mas lalong paigtingin ng mga imperyalista ang kalakal at mga “surplus products” o labis na produkto ng mga kapitalista ng kanilang bansa. Sa ganang ito ipinamamalas ng mga kapitalista sa pamamagitan ng mga imperyalista ang kanilang labis na tubo at ganansya sa bawat produktong itinatapon sa mga bansang kanilang binabansot. Bulod pa sa mga “state side” at “surplus products” ay inilalantad din ng mga imperyalista ang kanilang mga pamantayan sa pagbuo ng mga parametro sa pagpili ng mahuhusay na personalidad at mga pamantasan sa mundo na ipinapakita ang lutang na pag-iisip sa pamamayagpag ng pamantasanna binuo mismo ng mga imperyalista upang maipakita at maipamalas sa mundo na kahit sa laranagan ng edukasyon sila ang dominante at nangingibabaw.

Sa kanyang sanaysay na “Kalagayan ng Sining at Kultura sa Panahon ng Globalisasyon,” sinabi ni Jennifer Padilla na “Ang pamantayan ng U.S., hindi lamang sa pulitika at ekonomya, kundi maging sa kulturang kolonyal ang nagiging sukatan kung ano ang mahusay at hindi para sa mga Pilipino. Sa kulturang burges, ang sining ay kalakal at ang mga tao ay palengke na pwedeng manipulahin para higit na pagtubuan. Pinapanatiling mangmang, kimi at palaasa sa “swerte” at sa kawanggawa ang masang bihag ng kulturang pyudal. Sa tulong ng dominanteng kulturang ito, nagiging mas madali ang patuloy na pagkontrol at pagsasamantala ng mga dayuhan at iilan sa sambayanang Pilipino.”

Malinaw sa pahayag ni Padilla, kung gayon, na pinatitingkad ng Estados Unidos ang kanilang mga “band-aid solution,” “token services and awards” at iba pang “short term,” artipisyal at panandaliang solusyon at pangangailangan ng mga mamamayan mula sa pang-uuto ng mga imperyalista. Sa pamamagitan nito ay sinasanay ng mga imperyalista ang mga Filipino sa mga ilusoryo at hungkag na mga bagay, hakbang at programa upang ipagwatak-watak nito ang mamamayan. Nililihis nito ang mamamayan mula sa landas ng kolektibong pagkilos tungo sa indibidwalistiko at makasariling landasin.

Pansinin naman ang pagsisiwalat sa imperyalismo sa mga sumusunod na saknong:

Kayganda, kayrangya, ng buong paligid,

Ang loob ng silid, tila panaginip.

May nakasabit na Amorsolo’t Manansala,

Puro ‘orig’, hindi kopya.

May lilok na Navarro, Saprid at Joya,

Esperenza’t Bechaves ang mga bulaklak na nagdipa.

Nakatuksedong itim ang aking host,

Pakiramdam ko sa sarili’y dumi sa sulok.

 

Noon kumatok ang alinlangan,

Ano ba ang dahil nitong hapunan?

Ngayong inihahambing ang sarili sa paligid,

Natastas ang tuwa ko’t balisa’y bumahid.

Naalala ang pluma at pangalang naiwan

Sa isang munting hapag ng upahang-silid.

Mula nga pala nang paanyaya’y dumating,

Langhap ng talinhaga’y nawala sa hangin,

Pinangaw ng pangarap ang makinilyang himig,

Nakipil na rin ang hiyaw ng dibdib.

Dahil sa pag-aasta ng mga imperyalismo na sila’y dominante ay pilit nilang pinaniniwala ang mga bansang kanilang nililinlang sa pagbabandera ng kanilang kakayahan at kapangyarihan sa pagtatakbo ng alinmang makinarya sa aspektong politikal, ekonomiya’t sosyal na ugnayan. At dahil doon ay nagkakaroon ng “Global Monopoly” o Monopolyong Pandaigdigan sa punto na pinaghahati-hatian lamang ng mga iilang imperyalistang bansa ang mga sinasakop nilang maliliit at mahihirap na mga bansa. Sa linyang “Kayganda, kayrangya, ng buong paligid, / Ang loob ng silid, tila panaginip. / May nakasabit na Amorsolo’t Manansala, / Puro ‘orig’, hindi kopya. / May lilok na Navarro, Saprid at Joya, / Esperenza’t Bechaves ang mga bulaklak na nagdipa. / Nakatuksedong itim ang aking host, / Pakiramdam ko sa sarili’y dumi sa sulok.” Sa mga katagang ito ay ipinapakita ang mga nabanggit, at sa napakaraming pagkakataon ay minamaliit nito ang kakayanan ng mga bansang kanilang nasakop na lumaban sa kanilang mga polisiya’t patakaran at sa halip ay makuha nila ang ganansya ng mga ito para sa pansariling interes ng mga imperyalista. Ipinapakita rin ng mga linyang ito ang malaking kaibahan sa estado ng pamumuhay at estado ng uring panlipunan ng imperyalistang Estados Unidos at ng Pilipinas. Ang mga pamumutaktik ng mga avant garde (o “mataas na sining”) sa espasyo ng imperyalista, tulad ng mga painting nina Amorsolo’t Manansala, ay pagpapamalas ng “social division” at malaking agwat ng nakatataas at nakabababa. Gayundin, nirerepresenta ng mga bulaklak mula sa mga flower shop ng Esperanza at Bechavez, mga kilalang flower shop na ang kliyente ay ang elite o naghaharing uri, na mamahalin ang mga bulaklak, at kung gayon, ay mariwasa ang nakabibili nito. Nakakaramdam ng alienasyon ang bansang Pilipinas – ang makata – sa mga palamuti at espasyong ito.

Ngunit sa kabilang banda makikita pa rin na mayroong namumulat sa mga ganitong porma ng pang-aabuso’t pang-uuisg ng mga imperyalista sa kanilang mga pamamaraan. Dahil sa anumang anggulo natin tignan may ganap at direkta pa ring naapektuhan sa lahat ng ito. Ito ang masa na siyang nakakaramdam ng pagtitipid, kasalatan o kakapusan, pang-aabuso, at walang tinig sa pagsambit ng alinmang karapatang mismong nilalabag ng gobyernong umiiral.

“Maupo ka,” sabing magiliw nitong ginoo

Na may lagda’t salitang ipinanganganino.

Samsam ng takot na ako’y sumunod,

Isa mang kataga’y di naibuntot.

“Magilas na magilas, kung ika’y manaludtod,

Ang daing ng dusta’y naihihimutok.

Lahat kaming kampante’t bantulot

Inuutas mo sa tahimik na puyos.”

Natulos ako sa pagkakaupo,

Nasulsihan ang labi’t mata’y iniyuko.

Dayuhan pala’y maalam sa tulain

Niring bayan kong alaga ng dilim.

Ipinapakita sa saknong na ito ang paniningil ng patron / Imperyalista sa babaeng makata / Pilipinas sa kanyang pagtuligsa sa pamumuno ng patron / imperyalista gamit ang panulat. napakarami ng nailathala at nailimbag na mga akda hinggil sa mga imperyalista mula sa pagpupumilit ng kanilang mga polisiya na patuloy na bumubusabos sa nasyonalismong umiigpaw sa bansa na nagbibigay identidad o pagkakakilanlan.

Noon nasalab ng tanto ang puso,

Ito’y paanyayang kinulit ng kuro.

Para namang nabasa ang isip,

Sabi mo’y huwag akong pahamig sa inip.

“Ang totoo,” pagtatapat mo,

“Matagal na akong hanga sa ‘yo.

May salansan ka ng salitang talagang pambihira.

Pumapangit na lalo ang pangit,

Nasusulsulan mo ang dapat magalit.

Tuwang-tuwa ako sa iyo noong una,

Okey lang, ‘ikako, kung may kumakasa.”

Kalkulado ang tinig ng may-paanyaya,

Tinatabsing ang dugo kong nawalan ng sigla.

 

 

Nagkakanulo ang tinig ng ginoo

Ginigiyagis ako hanggang buto.

“Sabi nila, kayong mga Pinoy, okey makisama,

Kahit ipangutang, pakakanin ang bisita.

Marunong daw kayong mangutang ng loob,

Habambuhay nang nagbabayad, di pa makatagpos.

Dito ko ibinatay ang mabangong programa,

Bigyan ng dyanket ang kontra-kapitalista.

Ginawa kong totoo ang alamat ng snow,

Nakita mo ang New York at Chicago.”

 

Kumudlit sa gunita ang iniandot na biyaya,

Galing sa langit, iyon ang akala.

Ang langit pala’y itong kaharap,

Abot-mata’t abot-hawak

Ngunit di magagap ng diwang pahat.

Ibig kong noo’y hubarin ang danas,

Sabihin sa balat, limutin ang yakap

Ng mga kaibigang doo’y nahanap.

Ang bansang Pilipinas ay baon sa napakaraming utang panlabas. At dahil dito masasabi na kahit ang mga susunod na henerasyon ng ating salinlahi na hindi pa man din naluluwal sa mundong ibabawa ay mayroon ng pagkakautang sa imperyalistang ganid dala ng sinasabing “pagtugon sa pangangailangan” at “pagresolba” sa mga kakulangan nito. At dagdag pa riyan ang pagbibigay ng mga pabor o mga “special travels” at gayon din ay pinag-aaral nila ang mga ito sa pamamagitan ng mga scholarship grants ng mga imperyalista upang ihubog ang mga ito tungo sa “Americanization” o pag-adap sa kaisipang kanluranin.

Isa ito sa hakbangin ng mga imperyalista na magkaroon ng total transformation sa mga Filipino na lantakin ang kaisipan at kaalamang Amerikano upang mapadali at ganap na maipalaganap ang mga ito bilang layunin ng imperyalistang Estados Unidos sa bansang Pilipinas.

Tunay ngang nakinabang ang makatang babae sa biyayang inihatid o inihandog ng patron ngunit sa kabilang banda ay napagtanto ng babaeng makata na napakarami ang nagbago sa kanya mula sa kanyang salita, kilos at pananaw. Ang politika sa edukasyon mula sa paggamit ng wikang ingles bilang midyum sa pakikipagtalastasan at ipamunkadkad ang katagang “Universal Language” o wikang gamitin ng lahat na pilit isinusulsol ng mga imperyalistya sa bansa. Ang Pilipinas sa saloy ng wikang imperyalista ang siyang patuloy na kumikital sa diwang makabayan ng mga Filipino, mula sa pag-iisip na ingles na ang wikang gamitin sa pag-usbong ng globalisasyon at isawalang bahala ang market ng wikang Filipino sa larangan ng komunikasyon at intelektwalisasyon ng bansa tungo sa pag-unlad kaya naman dito pumapasok ang tinatawag na “misedukasyon.”

“Nguni’t ano ang ginawa mo?”

Patuloy ang imperyalista sa kanyang litanya.

“Binansagan mo akong kultura ng kubeta,

Isang lobong nakasuot-tupa.”

“At ang hapuna’y isang pakana?”

Kumakatok ang poot sa aking diwa.

“Di ba’t sa dyanket, ika’y nagpasasa?

Nagunit nang magbalik, di tumingala.

Sa aking bahay, limang buwan kang tumahan.”

Munti mang pasalamat, di ka naringgan.

Ang patuloy na pagpapanggap ng mga imperyalistang bansa sa pakikipag-alyado nito sa mga bansa kanilang nililinlang upang itawid ang kanilang sariling ganansya at patuloy na mapagsamatalahan ang mga ito na ayon sa kanilang dikta ay patuloy din ang kanilang paniningil ng sinasabing “utang na loob” mula sa mga artipisyal at panandalian nitong tulong at solusyon na may kalakip na ibang motibo.

“Dapat bang ipagpasalamat ang aking pagbabago?

Umuwi akong hindi na ako.

Panitikan mo ang iginuguhit ng aking panulat.

Dila ko’y pagkain mo ang hinahanap.

Pati ang wika kong dati’y matatas

Nakabuhol ang salita mong hindi ko mabaklas.

Anino kitang kinakaladkad

Naitatago lamang kung walang liwanag.

Kailangan kang puksain sa aking pagkatao,

Kailangang iwaglit ng aking anino.”

Umuusok ang halakhak ng ginoo,

Humigpit ang tikom ng aking kamao.

Sumipyo ang galit ng babaeng makata sa kanyang pagbabago na nais na niya nang pigtasin ang alinmang bahid pananaw ng imperyalismong hangarin sa kanyang pagkatao. Masasabi natin na sa kasalukuyang panahon any unti-unti at marahil ay hindi napapansin ng ilan ang pagtuturok ng imperyalismo ang kamalayang kano sa halos lahat ng aspekto ng bansa. dahil sa alam naman natin na hindi kailanman naglaan ng tenga ang Estados Unidos upang makinig ay samo’t saring pag-aaklas at boses ang naglipana sa bawat sulok ng bansa upang tutulan ang malawakang pagbabago ng pisikal na kaanyuan ng bansa tungo sa pagbabago ng kaluluwa nito bilang kapalit sa kamalayng Aemerikano. Sa linyang “Humigpit ang tikom ng aking kamao.” Isang pahiwatig ng paglaban na kailanman ang mamamayang nadusta at pinagkaisahan ay hindi papayag na manahimik na lamang mula sa labis at lantarang pambubusabos ng ibang dayuhan.

Ang pinakarurok ng paninimbulo ng pagsisiwalat sa tula ni Mabanglo ay masisipat sa mga sumusunod na saknong:

“Ngayo’y naloko mo na naman ako.

Alam na alam mo kung paano manghamak

Pagkat napipihong bituka’y sumasala

At ang ganitong anyaya’y mabibihira.

Alam mo ring ikasasanhi ng pagmamalaki

Dahil pinuno kang pumansin ng pulubi.”

Muli’y sumagot ang isang halakhak,

Nahahagkis ang dingding sa sobrang lakas.

Umilap ang mata ko sa pag-alab ng hangad,

Kailangang sa pagsubok ako’y lumagpas.

Tinakbo ko ang pinto, ngunit sumara,

Isang pindot lang ng remote ang aking pag-asa.

“Gahasa ba?” kinipil ko sa tinig ang kaba.

“Hindi na ako donselya!

Marami nang dayuhan ang nauna!

Naanakan na ako, hindi lang buko.”

 

“Sampu sampera. ‘Di ko papatusin

Kahit ka mamanata!”

At ako’y nalibid sa isang iglap

Ng isang matalim na liwanag.

Isang magaang na koryente ang gumapang sa balat,

Sa bawat galaw ko’y humihigpit ang banat.

Isang hapunan ang aking dinaluhan,

Ako pala ang pagkaing lalantakan.

 

Una akong nabiyak sa tiyan,

Lumuwa ang atay ng pangangailangan.

Nasiyahan mandin sa lumobong minudensiya,

Sinimulang panghalin ang apdo at bituka.

 

Sa pait nakatanim ang aking pasya,

Sa asim nakahulma ang pagnanasa.

 

Nagkulapol ang dugo sa kanyang bunganga,

Ang daliri’y basa ng laway ko’t luha.

Nililipatan ng talahib ang labi kong

Batingaw,

Nagtutundos ng krus

Ang pangarap na tumiwangwang.

Kagat dito, kagat doon,

Umabot siya hanggang puson.

Dapat siyang masiyahan,

Doon ako nagkapangalan.

 

Ang puson ang nagbibigay ng depinisyon,

Bahay-bata ang nagbubukas ng pagkakataon.

 

“Ito ang pinakamasarap na bahay,”

Namumuwalang huminto ang lalaki.

Ipinikit ko ang mga mata, kailangang

Igalang ang alaala.

Nakaukit sa dingding ng matris

Ang pumasong liyab, ang dumaang danas,

Talisuyong sa bungo’y tumarak

Nakalibing sa siwang ng buwanang danas.

 

Ulo’t galamay na lamang ako,

Buhay pa ri’t di namimiligro.

Tumatangging pahamig ang aking isip,

Sa mukha ko’y di puputla ang silahis.

Kuwadrong may pinta ang malay,

Paksa’y ako ring ayaw mamatay.

 

Saka binalingan ng mandarambong

Ang kanan kong kamay.

Hinlalaki’t hintuturo’y pinangos.

Umaringking ako sa sakit na sumudsod.

Ito na, ito na, ang aking krus.

Maginoong imperyalista!

Lahat na ng bahagi ko huwag lang ang kanang kamay,

Huwag lang ang nagsusulat na kamay!

 

Daliri ang ina ng madlang salita,

Daliri ang humuhugis niring talinghaga.

 

Hindi pa nga natatapos ang salita ko.

Isa pang hinlalaki’t hintuturo

Ang sa napangal na bahagi’y tumubo.

Ang dalawa’y muling kinagat,

Ang hinlalato’y isinama pa.

Ilang saglit lanmang at muling napalitan

Ang tatlong nilapang niya.

Nginangatngat ako ng kirot.

Sa utak, ang sakit, matinding sumusuyod.

Damang-dama kong napipigtas ang daliri,

Nililigis ng ngipin, dinuduhagi.

Wari’y naghahamon sa pagkasiphayo.

Mahihikayat na naman ang gutom na ginoo,

Bawat daliring bumukad

Kinakagat nang walang puknat.

Sa mga saknong na ito, isinisiwalat ang opresyon sa kababaihan mula sa patriyarkal at imperyalistang sistema. Masasabing ang makatang babae ang nagrerepresenta sa bansang Pilipinas na inilagay sa katauhan ng isang babae na nakadanas ng pananamantala, pambubusabos at pagyurak sa katauhan at dangal nito mula sa pyudal at mapanamantalang patron na lalaki na nagrerepresenta sa imperyalistang Estados Unidos. Dito makikita na ang bansang Pilipinas ay isang babae na binubusabos, pinagsasamantalahan, kinokontrol, dinuduhagi at dinudusta ng lalaking imperyalistang Estados Unidos.

Ang depiksyon ni Mabanglo sa Pilipinas bilang babaeng makata na kinokontrol ng lalaking dayuhang patron ay nakaangkla sa mahabang kasaysayan na tinatawag na “Inang Bayan,” simula pa sa konseptwalisasyon na ang Pilipinas ay Ina sa panahon ng paglaban nina Andres Bonifacio sa kolonyalismong Kastila. Kung noon, ang pagturan ng Katipunan sa Pilipinas ay “Inang Bayan” at ang mga mamamayan nito ay ang mga “Anak ng Bayan,” sa pagturan naman ni Mabanglo ang Pilipinas ay “Babaeng Makata” at ang mga daliri niya ay ang mga mamamayan – ang mga “Daliri ng Bayan” – na kung magsasama-sama ay magiging makapangyarihang kamay na lalaban sa imperyalismo. Bawat daliri, kapag nagsasama-sama at nagsanib, ay makapangyarihang puwersa na nililikha ng “Kamao ng Bayan” – ang pagkuyom ay alegorya ng pagkakaisa at pagsasanib-puwersa tungo sa kolektibong pagkilos para sa pagpapalaya ng bayan. Nangangahulugan ito na ang mga daliri ng babaeng makata – bilang representasyon ng Pilipinas – ay isang makasaysayang pagsandig sa kapangyarihan ng kababaihan bilang mga militante at anti-imperyalista – na ang babae ay may makasaysayang papel sa pagpapatagos ng mapagpalayang kaisipan at pagpapahayag ng mapagtimbuwal na pagkilos.

Mahusay itong sinasandigan maging sa sa sanaysay na “Isang Istorikong Pagtingin sa Paglaya ng Kababaihan sa Pilipinas” ni Juliet Delima. Sinabi ni Delima na “Ang babaeng Pilipino na nakapailalim sa lalaki sa pyudal-patriyarkal na sistema ay higit na dumanas ng panghahamak sa proseso ng pagiging kalakal sa ilalim ng paghahari ng monopolyong kapitalismong US. Ang mga babaeng napalaya sa parokyal na hanggahan ng asyenda ay naging kalakal sa kapitalistang pamilihan ng paggawa at gayundin sa kalakalan ng laman at dumanas ng diskriminasyon sa ekonomya. Pangkaraniwan na silang pinasasahod ng mas mababa at may mas maliit na oportunidad para sa empleyo.”

Sinasabi rito ni Delima na ang patuloy na pagmamaliit sa gampanin ng kababaihan ay isang litanya ng diskriminasyon at hindi ganap na paglaya ng mga babae na may malaking ambag sa panlipunang pagbabago. Inilarawan ang Pilipinas bilang isang babaeng sakal sa leeg ng lalaking Imperyalista na bumubusabos sa demokratiko nitong karapatan na maghayag, lumaban at magsiwalat ng alinmang bagay na may kritikal na pagsusuri na nakaangkla sa lipunan.

Dagdag pa ni Delima, “Sa kabila ng sinasabing panahon ng burges na demokrasya at paglawak ng pagkakataon para makapag-aral ang kababaihan, patuloy na ipinatutupad ang mga batas at kaugalian na may diskriminasyon sa kanila. Ang pyudal-patriyarkal na pananaw sa kababaihan bilang nakapailalim sa kalalakihan–pambahay na nakatalaga para pangalagaan ang tahanan at pamilya–at ang dekadenteng burges na pananaw sa kababaihan bilang kalakal na palamuti at may halaga sang-ayon sa kanilang pagiging kaakit-akit bilang mga bagay na panlalaki ay nagsanib para ipailalim ang kababaihan sa higit na diskriminasyon sa larangang pang-ekonomya. Ang ganito ring mga pananaw ang nagsasabi sa kababaihan na manahimik at batahin ang kanilang mga pagdurusa.” Ang pagtingin sa mga kababihan bilang instrumento o parausan ay isang landasin ng hindi pagkilala sa malaking ambag ng babae sa lipunan bilang tagapagbalanse at tagapagtaguyod, at bilang produktibong puwersang panlipunan.

Kung kaya’t mahusay na ipinahayag sa tulang “Anyaya ng Imperyalista” ni Mabanglo kung ano ang mapagpalayang gampanin ng kababaihan. Sa huling saknong ay malakas ang tinig ng pagpapalaya sa bansang Pilipinas at sa babae bilang mapagpalayang puwersa, na magluluwal ng marami pang puwersang panlipunang magpapalaya rin sa bayan:

Ginoo,

Walang katapusang paghihirap.

Walang katapusang hamong

Sa aki’y humahagilap.

Magsasawa’t mapapagod ka sa pagpanghal,

Mauutas akong ganap

Sa kirot,

Sa lumbay,

Ngunit poot ko’y yayabong,

Tutubong patuloy

Sa sinapupunan ng bumabangong laksang kamay–

Kaliwa’t kanan,

Pati mga paa kung minsan–

Susubo maging sa libu-libong mata’t bibig

Hanggang magtarak ng iba’t ibang tunog,

Ritmo at lirip

Sa milyun-milyong papel,

Hanggang magbangong kamao

Yaong di mabilang na mga kamay:

Sisikil sa ‘yo,

Sasakal,

Sasakmal.

Napakamakapangyarihan ng imaheng itinatak ng mga linyang ito! Na gaano man busabusin at aglahiin ng patriarkiya at imperyalismo ang babae at ang Pilipinas, hindi susuko ang babae at ang bayan, sapagkat ang “poot ko’y yayabong.” Napakaganda nitong ekspresyon ng pagpapalaya – na ang bayang inaapi ay bayang lalaban!

At tulad ng makasaysayang gampanin ng kababaihan – mula pa sa rebolusyonaryong tradisyon ng Inang Bayan – sa sinapupunan ng babaeng makata bilang Pilipinas ay luluwal at magbabangon ang “laksang kamay– / Kaliwa’t kanan, / Pati mga paa kung minsan– / Susubo maging sa libu-libong mata’t bibig /Hanggang magtarak ng iba’t ibang tunog, / Ritmo at lirip / Sa milyun-milyong papel, / Hanggang magbangong kamao / Yaong di mabilang na mga kamay: / Sisikil sa ‘yo, / Sasakal, / Sasakmal.” Nangangahulugan ito na mag-aalimpuyo mula sa sinapupunang inapi  ang napakaraming “anak ng bayan,” ang napakaraming “makata at manunulat ng bayan” na makikipagkaisa sa mga mardyinalisado’t inaaping uring panlipunan, upang sakmalin ang imperyalismo at upang palayain ang bayan.

Sa kabuuan, ang tulang “Anyaya ng Imperyalista” ni Ruth Elynia Mabanglo ay nagsiwalat na ang “imbitasyon” ng imperyalista ay laging mayroong “tali” at “kondisyon.” Ang imbitasyon ay paniningil at panlilinlang. Kung kaya’t ang marapat gawin, ayon sa mensahe ng tula, ay hubarin ang pang-uuto at utasin ang pagsasamantala. At higit sa lahat, ang tanging sa sama-samang pagkilos at kolektibong praxis mapagtatagumpayan ang pagnanais na maging maginhawa at malaya ang bayang inaanyaya ng imperyalista. Dahil ang pag-anyaya ng imperyalista ay pagpasok sa patibong, kailangang maging mapagmatiyag at kailang “tanggihan” ang imbitasyon.

Sanggunian:

Juliet De Lima. 2006. “Isang Istorikong Pagtingin sa Paglaya ng Kababaihan sa Pilipinas.” Inakses sa http://www.scribd.com/doc/28369372/Ulos-Hunyo-2006

Raymond Williams. 1983. Keywords: A vocabulary of culture and society. Revised edition. New York: Oxford University Press.

nina Nayong Libo at Ibang Santos (Mga Kontribyutor)

Matatapang! Matatalino!

Walang takot kahit kanino!

Hinding-hindi magpapahuli!

Ganyang kaming mga taga-UP!

Mula sa galaw at hataw ng katawan habang sinasambit nang malakas ang chant na ito ay sumasabay ang indak at kabog ng dibdib sa tuwing lumalaban ang UP Pep Squad sa iba pang pambato ng mga pamantasang kabilang at lumalahok sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Kaiba sa mga dance squad o cheering team na kadalasan ay sumusunod lamang sa nakasanayan nang routine o di kaya’y kumokopya sa mga sikat na grupo sa loob at labas ng bansa, mababanaag sa mga cheerdancing o cheerleading squad o team  ng mga pamantasan sa UAAP ang mga estilo at pamamaraang malikhain na nagrerepresenta ng mga partikular na katangian ng kanilang pinagmumulang pamantasan. Halimbawa, maaaring tingnan at suriin ang malikhain at makabayang konseptong ginagamit ng UP Pep Squad sa kanilang mga routine at choreography. Maaaring analisahin ang mga ispesipikong kultural na simbolo at pamamaraan na ineempleyo ng UP Pep Squad sa kanilang mga laban at presentasyon.

Ang kasaysayan ng “cheerdancing” o “cheerleading” ay nag-uugat pa sa Kanluran. Dinala ito sa ating bansa ng mga Amerikano bilang bahagi ng kanilang kolonyal na kultura – bilang bahagi ng negosyo ng sports. Ito’y isang uri ng panggrupong choreographic sports. Bawat squad o team ay binubuo ng 16 hanggang 30 miyembro at magpapamalas ng kanilang pagtatanghal sa loob ng tinatayang dalawang minuto’t 30 segundo hanggang pitong minuto. Kumakasangakapan ng cheer yell o chant ang mga squad, na nililikha ng mga institusyon at pamantasan, at siyang ipinopopularisa sa mga miyembro ng kanilang komunidad, upang magsilbing “national anthem” pagdating sa larangan ng cheerleading. Kaalinsabay ng famous cheer yell o chant ng pamantasan, halimbawa, ay ang makapigil-hininga at amazing stunts na kamangha-mangha para sa manonood at lumilikha ng sense of school pride para sa mga pamantasan, laluna para sa mga miyembro ng squad.

Mabilis na umunlad ang cheerdancing o cheerleading sa bansa, kasabay ng pagkalakal ng pamahalaan, midya, mga negosyo, at mga paaralan sa larangan ng sports bilang simbolo ng pagkakaisa, aliw o kasiyahan, at marami pang iba. Kung sa mga pamantasan ang pag-uusapan, ang cheerdancing o cheerleading ay pinatampok bilang simbolo ng pagkakaisa ng mga estudyante ng pamantasan at  bilang simbolo ng school pride. Ang cheerdancing o cheerleading squad ng bawat pamantasan ay nilikha upang pataasin ang morale at school spirit!

Sa panahon ngayon, mapapansin na may impluwensiya ng, halaw sa o di kaya’y kopyang-kopya sa estilong Amerikano ang mga cheerdance at cheerleading sa Pilipinas. Mamamasdan ito sa mga batayang hakbang o routine na kinakasangkapan sa mga pagtatanghal tulad ng partner stunt, tosses, choreography, at kahit maging ang mga ekspresyon sa tuwing nagsasagawa ng mga basic element at sayaw. Lahat ay hango o direktang kopya mula sa American cheerleading at cheerdancing. Bagama’t mapapansin rin na ang mga routine at choreography ng mga cheerdancing at cheerleading squads sa Pilipinas ay may pag-aangkop ng mga estilong Amerikano sa mga partikular na kultural na konseptong Pinoy tulad ng bayanihan, folk at tradisyonal na mga sayaw, at iba pa. Hindi naman ito nakapagtataka dahil nga Amerikanong impluwensiya sa Pilipinas ang cheerdancing at cheerleading. Ang makikita, sa katunayan, ay ang proseso ng kultural na pag-aangkop ng mga Pilipino sa nililikha nilang cheerleading at cheerdancing stunts, routines at choreography, na nilalagyan ng kontekstong Filipino.

Sa ganitong punto maaaring talakayin at suriin ang masasabing naiibang timpla (at sadyang inibang timpla) ng UP Pep Squad. Sa inisyal, makikita ang distinktong tatak-Pinoy at tatak-UP sa kasuotan o costume, galaw, at maging sa musika na inilalapat ng UP Pep Squad. Mula sa mga tradisyonal na sayaw at galaw hanggang sa mga etnikong tugtugin at Original Pilipino Music (OPM), masasabing nailalatag ng UP Pep Squad ang isang uri ng cheerdancing at cheerleading na kapwa napapanahon at makabuluhan, lampas pa sa konsepto ng aliw, kapitalistang sports, at pampamantasang pagkakaisa.

 

UP TRIBE

Bakit masasabing may tatak-Filipino o tatak-Pinoy ang mga cheerdance routine ng UP Pep Squad? Maituturing itong may tatak-Pinoy – o may bahid pa nga ng pagiging makabayan – sapagkat ang perspektiba ng UPPS ay nakatuon sa kaligiran ng pagka-Filipino. Halimbawa, ang konseptong tribe o tribo na kanilang ginamit na tema noong 2008 UAAP Cheerdance Competition ay sumalamin sa mga ninuno at mga katutubong lahi sa bansa; sa lakas at kultura ng lahing pinagmulan ng mga Pilipino. Naipakita rin ang uniqueness sa tugtog na ginamit. Halos mga musikang etniko ang inilapat, na lalong nagpatingkad sa kanilang choreography, at tunay na kahanga-hangang mapakinggan at mamasdan na kayang pagsanibin ang nakaraan at kasalukuyan, ang katutubo at moderno. Makikita rin ang pagiging matapang – at sabihin pang mabangis – ng bawat galaw na sadyang “nag-aaklas.” Ang mga miyembro ng UP Tribe ay nagmistulang mga katutubong mandirigma o tribe warrior na may panlipunang responsibilidad na ipaglaban ang kanilang mga karapatan at kagalingan bilang pangkat etniko o pambansang minorya laban sa mga mandarayuhan; laban sa may balak na umagaw at umalipin sa kanilang lahi. Ang bawat pilantik at pihit ng katawan ay may kuwento ng pakikibaka’t pagtatanggol na sumasalamin sa kasaysayan ng bansang hindi nangiming lumaban.

Kung ilalapat sa kasalukuyang panahon ang temang ito, tila isang kabayanihan at karangalan para sa bayan na ipagtanggol ang sambayanan laban sa mga umaabuso at umuusig, laban sa mga mananakop at mangangamkam ng yaman at dangal ng bansa. Sa isang malayang alegorikal na pagbasa, tila nagiging boses ng mga pinipi ang karapatan, nagiging paa ng masang pinilayan, nagiging mata ng mga binulag ng kahungkagan ng mapang-aping at dominanteng sistema, at nagiging kamao na nakikiisa sa malawak na laban ng sambayanan. Gaya ng isang mandirigma, iaalay at ubos-kayang ipinaglalaban ang kanilang lahi, kapalit man nito’y ang sariling mga buhay.

 

KULTURANG PEYUPS

Ang tema naman ng UP Pep Squad sa 2009 UAAP Cheerdance Competition ay sumalamin sa natatanging “kulturang Peyups” o “kulturang UP.” Kumasangkapan ang UP Pep Squad ng mga bagay na nagsisilbing simbolo ng mayamang kultura at politika na mayroon sa nasabing pamantasan. Halimbawa, ginamit sa cheerdance na ito ang konsepto ng tanyag na UP IKOT, ang jeep na umiikot o bumibiyahe sa kabuuan ng kampus ng pamantasan, at paulit-ulit na sinasakyan ng mga estudyante ng UP. Sumisimbolo ito sa “full circle” o lubos at kumpletong pag-ikot at pag-inog sa UP, na tila ekspresyon ng kabuuang buhay na inilalagi ng bawat estudyante sa pamantasan. Kabilang rin rito ang malalim at mayamang mga karanasang kanilang nalikha, na nagsisilbing kanilang sariling UP IKOT sa mahaba’t makabuluhang biyahe bilang estudyante ng UP.

Ginamit rin ng UP Pep Squad ang pinaka-inaasam-asam na suotin ng bawat estudyante ng UP – ang sablay! Ito ang tela o kasuotan na isinusuot sa graduation rites ng lahat ng mga mag-aaral ng UP na magsisipagtapos. Makikita na ang paggamit ng cheerdance squad sa sablay ay nangangahulugan ng tunguhin ng kahit anumang edukasyonal na institusyon – ang buong-husay na linangin ang mga mag-aaral na ito upang maging holistiko at kapaki-pakinabang na mamamayan. Ngunit ano ang natatangi sa edukasyon ng UP? Nagtataglay ito ng mahaba’t masalimuot na kasaysayan ng paglilingkod sa bayan. Ang bawat Iskolar ng Bayan na nagsuot at magsusuot ng sablay ay inaasahang paglingkuran ang sambayanan. Ito ang natatangi sa lahat ng mag-aaral ng state universities and colleges (SUCs) – ang nakalinang na kamalayang makabayan; ang panlipunang responsibilidad na paglingkuran ang masa at sambayanan, kahit pa marami na rin sa mga Iskolar ng Bayan ng UP ang nagbabayad ng mas mataas na matrikula. Sa gitna ng pagtaas ng matrikula sa UP, nananatiling ang buwis ng bayan ang batayang nagpapatakbo ng mga operasyon ng pamantasan. Kung kaya’t ang sablay ay hindi lamang simbolo ng indibiwal na pagtatapos ng bawat estudyante. Ito’y kolektibong pagtatapos! At dahil ang pagtatapos ay hindi naman talaga tunay na pagtatapos, ang sablay ay simbolo, higit sa anupaman, ng pagsisimula at pagpapatuloy ng panlipunang responsibilidad na buong-buong paglingkuran at pagsilbihan ang sambayanang nagpaaral sa mga Iskolar ng Bayan ng UP.

 

 

 

Bukod sa UP IKOT at sablay, ang isa pang nakaagaw-pansin at nakapukaw ng pag-iisip ng manonood ay ang huling bahagi ng routine ng UP Pep Squad – ang pagtataas ng  kamao. Ito na marahil ang pinakakilala at pinakamakabuluhang politikal na simbolo ng edukasyon at kulturang Peyups! Ang pagtataas ng kaliwang kamao ay kadalasang isinasagawa sa huling bahagi ng pag-awit ng “UP Naming Mahal,” ang opisyal na awitin ng komunidad ng UP. Sumisimbolo ang pagtataas ng kamao sa militante at progresibong tradisyon ng aktibismo ng UP, tulad ng pagtataas ng kamao laban sa diktaduryang Marcos noong panahon ng Batas Militar. Pisikal at pangkatawan na simbolo ito ng pakikibaka, ng pakikipaglaban para sa mga karapatan, at ng pagsusumikap na baguhin ang isang lipunang pinatatakbo at pinaghaharian lamang ng iilan. Kung kaya’t magpahanggang ngayon, na wala pa ring tunay na kaginhawaan at pagbabago sa bansa, ang pagtataas ng kamao ay patuloy na simbolo ng paglaban at simbolo ng aspirasyon para sa isang bayang malaya. Kung kaya’t sa pagtatapos ng routine ng UP Pep Squad, ang pagtataas ng kamao ay pagpapamalas ng militanteng tradisyon at ng makabayang hangarin na ipagtanggol ang Pamantasan ng Bayan at ang mismong bayan at mga mamamayan nito.

Maaaring ikonekta ang pagpaparangal na ito ng UP Pep Squad sa pamantasan, sa ganang ang UP ay kumakaharap sa matinding krisis pang-edukasyon, tulad ng pagtataas ng matrikula, at ng patuloy na pagbulusok ng subsidyo na inililimos ng gobyerno. Sa gitna ng ganitong kalagayan, hamon sa mga mag-aaral ng pamantasan, maging sa UP Pep Squad, ang magpatagos ng isang transpormatibong kultura pagdating sa edukasyon at pagdating sa cheerdancing competition. Kung nasasalalak ang edukasyon ng UP at ng bayan sa hulma ng pribatisasyon at komersyalisasyon, kailangang magsigasig sa pagpapatampok ng de-kalidad, siyentipiko, makamasa at makabayang edukasyon, na tunay na magiging para sa bayan at para sa transpormasyon ng malayang lipunan. Marahil may ganoong hibo ang pagtataas-kamao sa routine ng UP Pep Squad – na ang pag-aaral at pagsali sa kompetisyon ay bahagi ng pangkabuuang layuning maglingkod nang taos-puso sa sambayanan. Nasa ganitong linya marahil ang kailangang isalarawan: na ang tatak ng isang indibidwal na produkto ng isang SUC, gayong hindi na mawari kung isang ilusyon na lamang na tawaging State U ang UP.

Kung babalikan ang mga kaganapan sa performance ng UP Pep Squad noong 2009 ay masasabing hindi naging perpekto ang pinakita nilang pagtatanghal. Maaaring gumawa ng isang “malaya at labis” na pagbasa hinggil sa pagkakamaling iyon. Ang malaking pagpapahalaga ng gobyerno sa paglalaan ng sapat na pondo sa UP (at iba pang SUCs) ang magiging pundasyon nito upang mapatatag nito ang kaniyang tungkulin bilang isang Pambansang Pamantasan. Ngunit dahil sa walang-habas na pagtatapyas at pagbaba ng subsidyo sa UP, nagkakaroon ng pitak at pagkalaglag ng ilang bahagi nito upang abutin ang mga masang nais makapagtapos dito. Sa unang bahagi ng routine ng UP Pep Squad sa pagbuo ng kanilang pyramid ay nalaglag ang flyer mula sa pinakatuktok ng kanilang pyramid. Sa bahaging iyon ay maaaring gawan ng “labis na pagbasa” – na gayong pinipilit ng UP na itulak ang kanyang sarili upang marating ang tugatog ng kanyang tungkulin sa bayan ay nauudlot ito dahil sa mahina at hindi siguradong pagtahak ng kanyang layunin dahil sa mahinang suportang nilaan dito; tulad rin ng pagkalaglag ng isa pang babaeng ni-lift sa bahagi ng kanilang partner stunt.

Dahil ang tema sa taong iyon ay ang kulturang Peyups, ipinakita rin nila ang ningas at maalab na militanteng pagkilos sa loob ng Pamantasan. Paninindigan sa pagiging “matatapang, matatalino, at walang takot kahit kanino.” Kung papansinin naman ang chant na ito sa paglapat ng panlipunang perspektiba, ito’y nagpapakita at nagpapatunay lamang na sa kahit anong uri ng laban at sa kahit anong suliranin pa ang dumating ay patuloy pa ring lumalaban para sa demokratikong karapatan at interes ng nakararami. Dagdag pa rito, sa punto na mayroong malalim na pag-unawa sa lipunang ginagalawan, nakikita ang bawat anggulo sa persepsyong makikinabang ang lahat mula sa kolektibong pagkilos at kritikal sa pagsusuri ng mga isyu. At sa sama-samang pagkilos, tulad nang mababanaagan sa routine ng UP Pep Squad, ang Pamantasan ng Pilipinas ay patuloy na naninindigan para ituwid ang landas na baluktot, walang takot sa pagsisiwalat at pagpapamulat ng tunay na kalagayan ng estado.

 

HALA BIRA, UP!

Makukulay na banderitas at halo-halong pagdiriwang sa iisang pagtatanghal! Ito naman ang fiesta-inspired routine na itinanghal ng UP Pep Squad noong 2010. Nagbigay ito ng aliw at indayog sa mga manonood na kahit sinong mamamayan ng bansa na lumaki sa pista at pagdiriwang ay tiyak na makauugnay. Ang kapistahan, na mula sa tradisyon ng kolonyalismong Kastila, ay naging bahagi na ng kulturang Pinoy. Mula sa orihinal na kolonyal na layunin ng mga pista na iayon ang kultura at pag-iisip ng mga Filipino sa lohika ng pagpapasunod at pananakop na Kastila, nagbibihis ang mga pista ayon sa direksyon ng mga organisador nito. May mga pista na nakaayon pa rin sa tradisyon ng relihiyong Romano Katoliko ng mga Kastila. Samantala, kung kolonyal at relihiyoso ang layunin ng Romano Katolikong mga pista, pagdating naman sa panahon ng Kulturang Popular ng mga Amerikano ay naging para sa negosyo o komersyo ang layunin ng pista. Nagpipista para magbenta. At dumating pa nga sa punto sa kasalukuyan na nag-iimbento ng mga kapistahan para sa negosyo ng turismo.

Kung kaya’t mula sa ganitong nosyon sa mga pista, magandang masuri kung umaayon ba ang tema ng UP Pep Squad sa dominanteng pakahulugan na ito ng mga pista, o kung nagawa ba nilang igpawan ito upang lumikha ng kontra-kultura (counter-culture) pagdating sa reimbensiyon ng pista. Kumpara sa mga routine ng UP Pep Squad noong 2008 at 2009, masasabing ang kanilang 2010 na tema ang pinakapaurong bagama’t pinakamakulay. Balintuna itong maituturing, kung aanalisahing maigi, sapagka’t malaki ang inaasahang panlipunang tema sa taong iyon, laluna’t ang nagdaang dalawang tema ay masasawataan ng tatak-UP, tatak-Pinoy at tatak-makabayan.

Halimbawa, sa halip na naging ekstensiyon o kopya lamang ng makulay na pista ng turismo at negosyo ang tema ng UP Pep Squad, mainam sana kung nalagyan ito ng panlipunang perspektiba. Sa halip na naging spektakulo lamang ito ng kulay at aliw, ng sayaw at galaw, kailangang alalahanin na ang konteksto ng 2010 para sa UP ay ang pagkaranas nito ng malaking budget cut. Nangangailangan pa nang mas matibay na programang makabayan, o ng pag-igpaw sa istiryotipikal na nosyon ng pagiging makabayan. Hindi ba’t tama lamang na maging “mala-pista” ang pagdiriwang sa taong iyon dahil kaalinsabay samu’t saring makulay na karanasan ng UP ay ang tila pista ng placards at banners na dumaluyong sa sunud-sunod na “Santa Cruzan” ng pagkilos laban sa budget cut! Kahit pahapyaw lamang ay maaari sanang naging tungtungan ang pagtatanghal ng UP Pep Squad ng pagtutol sa humigit-kumulang isang bilyong pisong kaltas sa pondo ng UP. Samahan pa ito ng arko ng protesta at maaari ring pagmistulain ang mga reynang pumabalandra bilang simbolo at pamukaw sa kalagayan ng pamantasan.

 

TUNGO SA MAPAGPALAYANG PAGTATANGHAL

Hala birang ginulat ang mga Iskolar ng Bayan sa walang-patumanggang pagtatapyas ng pondo ng pamahalaan sa sinasabing Pambansang Pamantasan. Sa parte ng routine ng UP Pep Squad noong 2010, halimbawa, nakapupukaw ng atensyon ang mga mirasol o sunflower na ginamit bilang “pom-poms.” Mahusay at malikhain ang ideyang ito; napakagandang konsepto na sana’y napatampok bilang simbolo ng pamumukadkad ng protesta, o di kaya’y ng pag-asa ng bayan, o di kaya’y ng maalab na paglahok sa mga laban ng pamantasan at ng sambayanan.

Sa kabuuan, kapuri-puri ang mga konsepto’t tema ng UP Pep Squad dahil naipamalas nito ang kulturang malikhain at makabayan. Patunay ito ng orihinalidad ng UP – at ng mga Filipino sa kabuuan – sa pag-aangkin ng pawang dayuhang kultura. Nagawa ng UP na panatilihin ang diwa ng lahi. Mula man sa Kanluran ang konseptong cheerdancing o cheerleading ay nagawan nilang timplahin ang mga simbolismong umiinog sa bawat tema at galaw upang makalikha ng maituturing na “sariling atin.”

Ang diwang bumabalot sa pagkamakabayan ang siyang nagiging suhay sa pagpapalaganap ng nasyonalismo, ito man ay sa larangan ng kultura ng sports o sa kultura ng cheerdance. Ito ang hamon sa larangan ng kultura – ang magpatampok at magpalaganap ng kontra-kultura – ng kulturang matimyas na magpapatimbuwal ng dominante at higanteng sistema ng iilan. Isayaw ang laban! Isigaw ang paglaya!