K+12 at ang Batayang Krisis sa Edukasyon

ni John Clifford E. Sibayan

Umani ng batikos ang panukala ng Administrasyong Aquino hinggil sa karagdagang taon sa batayan at sekundaryang edukasyon dahil sa mga kakulangan sa sektor, at sa kadahilanang di handa ang bansa sa pagsuong ng ganitong uri ng reporma sa kasalukuyang estado nito. Sinabi ni Bro. Armin Luistro sa isang National Education Forum noong Mayo 2011, “When media asked me what is the one basic problem in education, it’s not building classrooms and hiring teachers. The root caused is really the program and the curriculum.”

Ayon kay Rep. Antonio Tinio ng ACT Teachers Partylist, mismong ang datos na ng Kagawaran ng Edukasyon ang magpapatunay na batayan at pangunahing problema ng sistema ng edukasyon sa bansa ay ang kakulangan sa guro, silid-aralan, upuan at sanitasyon at patubig. Ayon sa kagawaran umaabot sa 101,612 na guro ang kulang, 66, 800 silid-aralan, 2,573,212 upuan, at 135,847 patubig at sanitasyon.

Ang unang taon ng implementasyon ng Universal Kindergarten noong nakaraang taon ay dagdag pang patunay sa kawalan ng kahandaan ng gobyerno para sa K+12. Naglabas si Sec Luistro ng Deped Order No 37 “Policies and Guidelines on the Implementation of the Universal Kindergarten Education for SY 2011-2012” kung saan nakasaad;

(1)          Schools without Kindergarten classrooms shall utilize available classrooms, library, science laboratory, home economics building, resource center, and other available spaces.

(2)          In cases where classrooms and other spaces are not available within the school premises, school heads are urged to link with the Local Government Units (LGUs) for the use of existing day care centers and/or barangay halls.

Matapang na pinuna ni Tinio ang palisiyang ito, “ganito ba ang patakaran ng isang matinong gubyerno? Hihikayating mag-enrol ang lahat ng 5 taong gulang kahit wala palang klasrum na paglalagyan, kaya pagkakasyahin na lamang sa kung saan, “any available spaces?”

Dagdag pa niya, Upang tugunan ang kakulangan ng kinder teachers, itinatakda ng Deped Order no 37 ni Sec Luistro na gagamit ang Deped ng Kindergarten Volunteer Teachers. Ayon sa order, ito ang requirements para maging volunteer teacher:

  • Bachelor’s degree holder in education or education related courses
  • Preferably resident of the community where the school is located; and
  • Registered as volunteer in the school and/or division office.

Sinabi ni Tinio na, “Kapansin-pansin na hindi hinihingi ng Deped ang Lisensya mula sa PRC, na makukuha lamang ng mga education graduate na pumasa sa Licensure Examination for Teachers. Sa madaling sabi, patakaran ngayon ng Deped na kumuha ng mga unqualified and unlicensed teachers para magturo ng kindergarten. Papayag ba tayo na magtrabaho sa ospital ang isang unlicensed nurse? Papayag ba tayo na magtayo ng building o tulay ang isang unlicensed engineer? Bakit pumapayag ang Deped na pagturuin ang mga unlicensed teacher?”. Dagdag pa rito ni Tinio na labag ito sa RA 7836 o Philippine Teachers Professionalization Act of 1994 section 27.

Ibig sabihin, sa K+12 lalo na’t walang matinong pagpondo ang gobyerno ay minimistulang alipin ang mga guro na magtitiis sa mumong sahod at patuloy na pambabansot sa kakayanan ng mga guro na taliwas sa mithiin ng isang kalidad na edukasyon. Nakalulungkot isipin na ganito ang uri ng pamamahala ng ating mga edukador na kung tutuusin ay dapat na lumulubog sa tunay na kalagayan ng sistema.

Pinagtibay ni France Castro, Pangkalahatang Kalihim ng Alliance of Concerned Teachers, ang mala-alipin na kontraktwalisasyon ng mga guro sa Universal Kindergarten. Aniya, sa panayam ng bulatlat.com, “The implementation of the program will create a standing army of reserved teacher-laborers who will be more than willing to offer their services for lower salaries for the sake of getting a job and hoping for tenure later. We are against the DepEd’s plans to outsource the teaching employment through contractualization”.

Sa madaling sabi hindi nakalulutas ng krisis sa sistema ng edukasyon ang programa kung hindi nagtatawid pa ito sa mas malalaking suliranin na siyang dapat igpawan hindi lamang ng mga edukador maging ng mga mag-aaral, guro at mga magulang na direktang maapektuhan nito.

Ang dagdag na taon sa pag-aaral ay panibagong suliraning kakaharapin ng mga magulang lalo pa’t sumasabay din ang pagtaas ng mga bilihin at mababang prayoridad ng pamahalaan sa batayang serbisyo. Ayon sa League of Filipino Students (LFS) kung susumahin ang gastusin mula sa transportasyon, pagkain, at mga kagamitan sa paggawa ng proyekto ng isang mag-aaral ay aabutin ng P20,000/kada taon. Sa kasalukuyang 10 taon ay hirap na at hindi na kaya ng mga pamilyang nagpapaaral ng isang anak lalo pa kaya ang dagdag na taon para rito. Masasabing hindi pa handa ang bansa sa ganitong uri ng palisiya sa edukasyon kahit na ito’y sinasabing magandang paraan upang mapataas ang antas ng edukasyon sa pagpapalawig at pagdebelop ng kasanayan ng mga mag-aaral na kung tutuusin ay pansusog ng Pamahalaang Aquino sa pagsandig sa neo-kolonyal na patakaran.

Dagdag pa ng LFS, ang internasyunal na modelo ng programa ay mayroong rekisito sa implementasyon nito at yun ang paglalaan ng mataas na subsidyo sa sistema ng Pampublikong batayang edukasyon. Ang kabuang badyet sa batayang edukasyon ay hindi halos nabago na taliwas sa sinasabi ng pamahalaan dahil ang P30 bilyong pagtataas sa badyet ng kagawaran ng edukasyon ay alinsunod sa Salary Standardization Law na awtomatikong nakalaan sa taunang pambansang badyet.

Hindi maitatanggi ng pamahalaan ang pagsandig sa dikta ng makapangyarihan at monopolyadong pamamahala ng US-Aquino. Bilang pantugon sa dikta ng globalisasyon ay sinasabing ang Programang K+12 ang siyang magtutulak sa mga Pilipino na mag-ibang bayan o magsilbi sa mga dayuhang korporasyon sa bansa alinsunod sa sinasabi ng pamahalaan na maging “globally competitive” ang mga Pilipino sa iba’t ibang larangan ngunit sa likod nito ay ang pagluluwal ng “cheap and docile labor” at semi-skilled laborers na kabilang sa balangkas ng pamahalaan sa isang “Foreign-oriented Labor Export Policy”. Sa halip na hikayatin ng gobyerno na magkolehiyo ang mga estudyante ay binabansot nito ang posibilidad na kumuha ng mas mataas na antas ng edukasyon ang mga mag-aaral, ang lohika ng gobyerno ay pagkatapos ng sekundarya ay magtrabaho na lamang sila lalo pa kung galing sa mahirap na pamilya. Ito’y pinatotohanan ng pahayag ni Bro. Armin Luistro, kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Ayon sa artikulong “TESDA, makatutulong sa Kto12 program”, binanggit ng kalihim na target ng Kto12 program na “makapasok sa trabaho o makapagsimula ng ikabubuhay ang nagsipagtapos ng senior high school level.”

Ayon sa pagsusuri ni Sarah Katrina Maramag sa kanyang artikulong “Is the K-12 model good for the Philippine education system?”:

“DepEd says that the poor quality of basic education is reflected in the low achievement scores of students. Results of the TIMSS (Trends in International Mathematics and Science Study), however, negate the connection of the number of years to the performance of students.

According to results of the TIMSS, the length of schooling does not necessarily mean better scores. In fact, some countries with the same or shorter school cycle garnered the highest scores while those implementing the K-12 model or more years of schooling got lower scores.”

Ipinapakita sa resulta ng TIMSS na malinaw na hindi dahilan ang dagdag na taon sa pagsiguro ng isang magandang awtput kung hindi ang kahandaan at ang prayoridad na punan ang kakulangan sa sistema, at hindi ang mga mag-aaral ang dapat sisihin sa mga guwang na ito.

Habang sinasabi ng mga sumasang-ayon sa programang K+12 na nahuhuli na ang Pilipinas sa ibang mga bansa sa Asya’t daigdig, dalawa ang pinakabatayang suliranin nito. Una, nananatili na pinakabatayang problema nito ay ang batayang pangangailangan para sa sapat na badyet. Hindi handa ang gobyerno para rito. Ikalawa, ang mismong pilosopiya nito na gawin lamang tagapagluwal ng murang lakas paggawa ay isang hindi makataong pilosopiya. Ang pamahalaan pa mismo ang sumasagka sa responsibilidad nitong magbigay ng isang “quality and accessible education” na alinsunod sa konstitusyon ng bansa. Habang pumupustura ito na ang haba ng panahon ng pag-aaral ay mangangahulugang ng dekalibreng edukasyon, isang malaking balintuna ang gobyerno na hungkag na nga sa pagsusubsidyo sa edukasyon ay higit pang hungkag sa pilosopiya ng edukasyon.

Sanggunian:

League of Filipino Students (n.d.). “Manifesto of Unity Opposing the Enhanced K+12 Currriculum of the Department of Education”.

Maramag, Sarah Katrina. “Is the K-12 model good for the Philippine education system?” Retrieved February 4, 2012, mula sa http://thepoc.net/thepoc-features/politi-ko/politiko-opinions/10020-k-12-philippine-education-system.html

Silverio, Ina Alleco. “Teachers’ Group Protest Delays in Payment of Kindergarten Teachers’ Salaries.” Retrieved February 4, 2012, mula sa http://bulatlat.com/main/2011/04/15/teachers%E2%80%99-group-protest-delays-in-payment-of-kindergarten-teachers%E2%80%99-salaries/

“TESDA, makatutulong sa Kto12 program.” Retrieved February 4, 2012, mula sa http://www.balita.net.ph/2011/12/tesda-makatutulong-sa-kto12-program/

Tinio, Antonio. “Privilege Speech on School Opening and K+12.” Retrieved February 4, 2012, mula sa http://www.act-teachers.com/rep-antonio-tinios-privilege-speech-on-school-opening-and-k12/

About these ads
Comments
  1. Gerald Federizo says:

    Kaya kami nahihirapan punan ang kakulangan sa guro ay dahil sa pangingialam ng mga pulitiko sa allotment at provision. Matagal na kaming may nakasalang na teachers items kaso pinipigilan ng mga pulitiko ang deployment.

    Sa mga taga-LFS: unless na kayo ang magpupundar ng tustusing panggastos ng mga mahihirap sa edukasyon kung pwede lang, tumulong kayo, hindi itong puro kayo batikos na nakakasira na.

    • ISYUNG PNU says:

      sir puwede po bang malaman yung specific na nahihirapan kayong punan ang kakulangan sa guro? ano po yan sir yung sa LET po ba yan na pinagtuturo ng kinder kahit wala pa pong license? magkakaugnay po kasi ang Kto12, kakulangan ng guro, mababang badyet sa edukasyon at dekalidad na edukasyon. yung LFS po ay sinusuri kung ano ang ugat ng pagiging hindi handa ng Pilipinas sa kto12 at tunay na dahilan ng gobyerno kung bakit niya ito tinutulak. may inoofer na solution po ang LFS at hindi puro batikos lang. at ito po ay ang pagkakaroon ng mataas na badyet sa education at pagiging nationalist ng kurikulum sa education. kung mataas ang badyet edi may makatarungang sahod pang-hire ng teachers. yun pong mga politikong na nang-iipit ay dapat tuligsahin at i-expose at panagutin. kakampi nyo po ang LFS sa adhikain ng lahat ng guro para sa right sa education salamat po ugaliing magbasa ng isyungpnu God bless!

  2. Iginagalang at nirerespeto ko po ang inyong opinyon Sir Tinio.Ako po ay hindi lisensyadong kindergarten teacher,ako po ay 4yrs. na sa pagtuturo ng mga preschoolers.Ang aking natapos ay BSED-Math at hindi po ako nakapasa sa LET exam.kaya ako ay nagschooling at kumuha ng units sa Preschool at every saturday po ang aking klase sa Private school.Ako ngayon po ay may mga units na sa preschool at maraming seminars na po ang aking na-attend.Ako din po ay naipadala sa aming Division pra sa isang magandang seminar at workshop sa CEBU City tungkol sa AGAPP foundation(ECD,etc) marami pong makabuluhan ang aking natutunan.Marami na po akong certificates at meron ding recognition dahil sa nakaaward po ako dahil 3rd-placer ang aking bata last November 11,2011 in filipino reading.Proud po akong magshare sa inyo na sa buwan ng Agosto ay makakabasa na ang aking mga bata ng simpleng pangungusap sa englis at tagalog.Ako po ay devoted sa aking trabaho ,kaya po kahit man din ay di-nakapasa ay sana bigyan po ninyo ng chance dahil hindi nman po siguro ang division ng schools tatanggap at i-qualify ang hindi nman karapat dapat na magturo.Ako po ay may mataas nmang mga grades sa aking transcript kaya lang napilitan lang po talaga akong mag-major ng mathematics na hindi ko naman gusto English po sana kaya nga siguro bumagsak ako pro I am still holding my hands that maybe ngayon na ako pagbibigyan ni Papa Jesus na makapasa malay natin…hehehe..sana last take ko na po ng LET exam last March 11,2012.Iyon na lang po ang naging sagabal sa akin.Kasi po ako po daw ay qualified talagang magturo ng kindergarten ng dahil na rin po sa ako’y may (4)apat na mga maganda’t gwapong anak that’s why I can easily tickle the minds and hearts of my young learners at madali din silang mapamahal sa akin.Sir Tinio,every school year the parents of my pupils would always said “Teacher Abe thank you for loving and teaching our child”…..at ako po ay sobrang natutuwa at kontento na po kahit wala pa rin hanggang ngayon ang aming HONORARIUM..I am very much hoping Sir that you would give other a chance like me to have what we have to deserve kasi po lisensya pa po ang wala pero about the way on how we teach and deal with our children….absolutely shall I say 99%.Thank you po for reading Sir and May GOD BLESS US ALL!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s